Mahirap mag-bike na angkas mo yung kapatid mong maliit sa likod at dala mo yung Casiotone CT-647 mo sa balikat mo, bakit kasi napaka-bigat ng mga keyboard eh! Hindi rin naman siya kasya sa basket dahil kung nakatayo 'to ay di ko makikita yung daan...
"Onii-chan, mag-tutugtog po kayo para sa school festival?" tanong ni Melo
"Kung matutuloy, panuorin mo kami ah" sabi ko
"Opo onii-chan! May plano na nga rin po yung klase namin para sa school festival, maid café daw po!"
"Wow! Eh di naka-maid costume ka doon?"
"Opo onii-chan! Kain po kayo doon ah, ako din po magluluto eh"
"Wow! O sige Melo, pupunta ako dun if hindi ako busy sa festival"
Kahit maiikli lang at malambing yung usapan namin ay napapagaan na nito ang loob ko dahil naririnig ko ang boses ng kapatid ko na kasama kong lumaki at ngayon ay medyo mature na rin siya, feeling ko ay iiyak na ako any moment dahil malaki na siya.
Nakarating din kami sa school ng ligtas at buhay pa naman yung keyboard ko, yun lang ay nangawit yung balikat ko dahil sa bigat. Mahalaga ang keyboard na ito sa'kin kasi ito na lang ang natitira kong memento galing kay Papa, binili niya ito para sa'kin nung pumunta siya ng Japan kaya Japanese din yung mga sulat sa keyboard pero nevertheless ay natuto ako na tugtugin yun hanggang sa naging hobby ko na siya at ito nga, magagamit ko nanaman siya para sa banda namin, I'm sure na proud si Papa sa gagawin kong ito.
Napansin ko habang papalakad akopapunta sa room ay may mga lumapit sa'kin, ngayon lang siguro sila nakakita ng lumulutang na keyboard bag...
"Organ ba yang dala mo?" tanong ng isa kong kaklase
Oo nga pala, organ ang tawag ng iba sa mga ganitong klase ng keyboard, tulad ng isang normal na tao na tinatawag na lyre ang isang vibraphone kahit ang totoo ay hindi naman stringed instrument ang vibraphone. Tumungo na lang ako sa mga tanong nila...
"May kaya ka bang tugtugin?" tanong nila
Wow, hinahamon niyo ba ako? Pinlug ko yung adapter ng keyboard ko sa saksakan na malapit sa upuan ako at pinower na ang keyboard ko. Pinatunog ko yung mga daliri ko at inadjust yung volume nung keyboard then tinugtog ko na ang Final Movement ng Symphonie Pathetique ni Ludwig van Beethoven. Nakita ko ang mga mata ng mga kaklase ko na naka-fix sa akin at yung iba ay nakanganga sa pagtugtog ko, at least nag-exist ako ngayong araw sa kanila. Maya-maya ay nakarinig na ako ng violin na sumasabay sa tugtog ko, si Mika na pala iyon at katulad na ng Beethoven Virus[1] ang tinutugtog naming dalawa, iyan ang accompaniment!
After nung performance namin ay pumalakpak yung mga kaklase namin pati na si Professor na kanina pa pala nasa room at na-captivate sa tugtog naming dalawa...
"Bravo! That was magnificent!"
Wow, talagang nag-click yung performance namin sa kanila...
"Para saan nga ba at ay dala kayong keyboard at violin?" tanong ni Professor
"Para po sa banda namin sa Otaku Club sir" banggit ko
Nakarinig ako ng bulung-bulungan at mostly ay puro negative tungkol sa Otaku Club pero binigyan kami ni Professor ng positivity...
"Maganda yan Mr. Valmorida para ma-enhance yung talent ninyo sa music"
At hinugot ko na yung keyboard ko at binalik sa keyboard bag, binalik na rin ni Mika yung violin niya sa lagayan at nagpatuloy ang lesson namin na medyo nadelay dahil almost nakain na namin yung fifteen minutes nung period.
After nung klase ay dumiretso na kami ni Mika sa Room 409, sinubukan kong mag-start ng conversation kahit medyo nahihiya ako...
"Y-You're very good in playing the violin" sabi ko
BINABASA MO ANG
Mr. Nerd meets Ms. Cosplayer
Novela JuvenilQuince Valmorida, isang otaku nerd and slight negative ang outlook sa buhay... Miyaka Satou, isang cosplayer na animo'y anghel ang kabaitan... Posible ba ang pag-ibig sa dalawang napakalayo ng pagitan sa social hierarchy? Samahan sila kasama ang iba...