CHAPTER 11: Ms. Nerd meets Mr. Cosplayer?

23 2 0
                                    

Kinabukasan ay medyo masakit yung ulo ko paggising, siguro ay na-untog nanaman ako sa pader sa tabi ng higaan ko. Then napansin ko na sobrang lambot ng higaan at ng unan ko at parang gusto ko pang matulog dahil sa lambot pero may pasok ako ngayon kaya kailangan kong bumangon. Pag-dilat ko ng mga mata ko ay may napansin akong kakaiba: hindi ko kuwarto ito at mas lalong hindi ito kuwarto ni Melo o ni Mama dahil malaki, may mga poster ng anime ng naka-dikit sa pader at napansin ko agad yung mala-chandelier na ilaw sa kuwartong ito, nasaan kaya ako?

Bumangon ako mula sa kama at napansin ko na mabilis akong naka-upo sa higaan ko, madalas ay inaabot ako ng dalawang segundo para bumagon pero ngayon ay parang split-second lang. Seriously, Gumaan ba ako? Napakamot na lang ako ng ulo ko then napansin ko na may suot akong headband, what the-? Hinubad ko ito at pinatong sa ibabaw ng cabinet sa tabi ng kama kung nasaan nandoon yung salamin ko. Sinuot ko yung salamin ko at mas luminaw sa'kin yung itsura ng kuwarto, kuwarto ito ng babae ah?

Anyway, sinuot ko yung tsinelas sa may paanan ng kama na may mukha pa ng rabbit, napansin ko rin na nakasuot ako ng kulay pink ng pajama then nung tumayo na ako ay napansin ko na parang mabigat yung dibdib ko, literaly! Pagtingin ko ay...

"Ah?!? May boobs ako?" sigaw ko pero nagulat ako ng marinig ko yung boses ni Mika

"Mika-chan?" tanong ko pero na-realize ko na sa lalamunan ko pala galing yung boses

May malaking salamin sa may aparador ng kuwarto at napansin ko ang sitwasyon ko ngayon: Ulo ko pero katawan ng babae ang reflection ko sa salamin! Ha? Hindi puwede ito! At worse, nasa kuwarto ata ako ni Mika! Much worse? Baka ako si Mika?!? Naku Quince! Kalma ka lang! Easy, baka nananaginip ka lang! Hindi eh! Napaka-linaw ng lahat kaya imposibleng panaginip ito! Then nakarinig ako ng katok sa pinto ng kuwarto...

"Miyaka? Are you awake?" tanong ng isang boses ng babae na medyo matanda na

"H-Hai, I'm awake" sabi ko

"Change into your uniform now, breakfast is ready"

"I'll be there just a sec" sabi ko

Then narinig ko na naglalakad na yung boses papalayo, alright! Worse case scenario: ako si Mika at katawan niya itong naka-kabit sa ulo ko, disi-siyete! Sino kaya ang nag-Frankenstein sa'kin?

Okay Quince, relax! Kailangan mo nang maligo and mag-bihis sa uniform, be casual! Kahit lalaki ka ay wag mong tignan yung mga private part niya please! Wag kang maging pervert sa katawan niya!

Siguro after five minutes sa bathroom sa may kwarto ay tapos na akong maligo, buti at hindi ako nag-nosebleed[1]. Nag-bihis na ako sa school uniform ni Mika, small pala ang size ng uniform niya at nung sinuot ko ito ay para lang akong nag-cocrossdress nung beki days ko, pero please lang! Wag kang mag-mukhang bading sa katawan niya! Napansin ko sa aparador niya yung sweater ko na pinahiram ko sa kanya nung nagkasabay kami sa SM, dalhin ko kaya ito para maibalik ko sa bahay.

Teka muna! If ako si Mika then si Mika si Quince? Nagkapalit ba kami ng ulo? Ah, siguro ay mapapansin ng parents ni Mika na hindi ako ang anak nila kaya makaka-uwi din ako agad sa'min pero pagbaba ko ay binati agad ako ng sa tingin ko ay Mama niya...

"Miyaka, you showered for too long, your breakfast is getting cold" sabi nung Mama niya

"Ah, sumimasen..." sabi ko

Then kinain ko yung bacon, eggs and rice na hinanda para sa'kin. Okay so hindi nila napansin na iba yung ulo ko kaysa sa anak nila pero nabulunan ako nung makita ko yung mga family picture na nakasabit sa may pader: ulo ko yung nasa katawan ni Mika sa picture, disi-siyete! Parang na-photoshop lang yung mukha ko sa ibang katawan...

Mr. Nerd meets Ms. CosplayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon