CHAPTER 12: His real nature...

32 2 0
                                    

Ilang araw na lang bago ang school festival sa Friday kaya simula ngayong week na ito ay sinuspend lahat ng klase at pinag-focus ang mga estudyante sa pag-peprapare para sa school festival, siyempre tuwa na ang marami dito para makapag-pahinga sila sa studies, h’wag na lang kaya kayo pumasok kung tinatamad din kayong mag-aral? Sayang tuition fee eh!

Anyway, ang aga-aga at nag-lilitanya nanaman ako (wow, ang lalim!). Pagdating ko sa clubroom ay nakita ko sina na may kinakabit sa blackboard sa room, nandoon din si Adrianne sa loob ng room at nag-aayos ng mga upuan…

“Yaharro!” bati ko

“Oh Quince! Ano sa tingin mo?” tanong ni Char na nakatayo sa isang stepladder

Pinakita niya sa’kin ang mahabang tarpaulin banner na may naka-print na “Lucky Charm daisuki!” at gamit doon yung logo na ginawa ko para sa banda

“Saan mo nakuha yung logo?” tanong ko

“Ah, nung nakaraan kasi naiwan mo yung USB mo dito sa clubroom at nakita ko yung logo doon”

Teka! Nakita niya yung laman ng USB ko? Invasion of Privacy iyon ah!

“B-Bakit mo tinignan yung loob?!?” tanong ko

“Bakit? Buti nga at walang porn na laman yung USB mo eh, puro picture lang ni Mika ang meron ka eh” sabi ni Char

“B-Bakit?!? Masama bang magka-Mika ni Picture?”

“Magka-Mika ni Picture?” tanong ni Char

Iyan, sa sobrang hiya ko ay nabubulol na rin ako, Char naman eh!

“Pasensya na Quince pero na-curious lang naman ako eh”

“Ah, o sige… tapos na naman eh, wala na rin akong magagawa” at napa-buntong hininga na lang ako

Binaba ko yung bag ko sa isang upuan at lumapit si Adrianne sa’kin…

“Quince, sinabihan po ako ng committee lalo na po ni President Jarius na kailangan po nila yung picture ng band natin para sa poster na ilalagay nila sa may amphitheatre then para din sa school paper” sabi ni Adrianne

“O sige, antayin na lang natin yung iba then mag-picture tayo, Char! Dala mo ba yung DSLR mo?”

“Lagi ko namang dala yun eh” sabi ni Char na bumababa na sa stepladder

“Okay, so may outfit po ba tayo? Katulad nung mga visual kei[1] bands sa Japan?” tanong ni Adrianne

“Hmm, tingin ko mas okay na itong uniform natin, ano sa tingin mo Char?”

“Mas okay na iyon! Para tayong K-ON! Ang cute diba?”

“Disagree ako diyan” pagpasok ni Red sa usapan

“Kuya Red, mas okay naman na naka-uniform po tayo! Kaysa naman po naka-cosplay tayo no? Tulad nung…” pagputol ni Adrianne

“H’wag mo nang banggitin iyon! Basta, kung yung dalawang iyon yung choices eh mas okay na yung naka-uniform!”

Bakit parang may nangyari sa dalawang ito kahapon? May nangyari ba?

“Ah, eh… matanong ko lang Adrianne, may nangyari ba sa inyong dalawa ni Red?” tanong ko

“W-Wala po! W-Walang-wala pong nangyari sa’ming dalawa!” madaliang pag-bawi ni Adrianne

Well, tahimik lang si Red tungkol doon pero parang may tinatago itong dalawang ito sa’min. My gosh! Maaari kayang babae talaga si Adrianne at nagagalit si Red tungkol sa kanya? Common ito sa mga manga kung saan may mga babaeng nagpapanggap na lalaki at pumapasok sa boy’s school kaso bakit kailangang magpanggap ni Adrianne na lalaki? Private college nga ito pero equal naman ang mga babae sa lalaki well, whatever the reason, may nangyari talaga sa dalawang ito at di ko alam kung ano kaya kung ayaw nilang sabihin ay kami na dapat ang tumuklas…

Mr. Nerd meets Ms. CosplayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon