CHAPTER 14: Operation: DATE!

31 2 1
                                    

Isang typical na Sabado ng umaga, nandyan yung kapatid ko na nag-rerecord ng sayaw at nandito ako sa dining table na pinapanuod siya habang umiinom ng tsaa at kumakain ng teepeecon. Sa typical na umagang ito ay isang hindi typical na tawag ang natanggap ko, bihira naman kasi talaga yung mga tumatawag sa number ko; by bihira I mean wala...

"Hello, si Quince 'to" sagot ko

"Hello Quince! Si Char ito"

"Oh bakit ka napatawag?"

"Magkita tayo mamayang 10 sa SM, may ipapagawa ako sayong mission"

"Wow, Yurippe ­[1] ang peg mo ngayon ah"

"Siyempre! Basta pumunta ka na lang!"

Bago ko pa matanong kung ano yung gagawin ay binabaan na niya ako ng phone. Binigyan niya ako ng mission na kulang ang detalye, nice!

Umupo si Melo sa tabi ko habang pinupunasan yung pawis niya mukha gamit nung towel na nakapaikot sa leeg niya...

"Sino po yung tumawag onii-chan?" tanong niya

"Si Char, may pinapagawa nga sa'kin na di ko alam eh"

"Ah so aalis po kayo ulit?"

Tumungo lang ako

"Okay lang po onii-chan! Kaya ko naman po ulit na mag-isa dito eh"

"Sigurado ka?"

"Opo onii-chan! Sabi nga ni Mama ay pwede na daw po akong mag-asawa kasi kaya ko na pong mabuhay mag-isa"

Kung sino man may balak na pakasalan si Melo ay kailangan munang dumaan sa butas ng karayom ko! Wow, FPJ lang eh no?

So umalis na ako ng bahay, sumakay ng jeep at nakarating na sa SM kung saan tinawagan ulit ako ni Char...

"Quince, san ka na?"

"Nandito na, nasaan na kayo?"

"Nandito kami sa McDonalds, basta hanapin mo na lang kami"

Then again binabaan nanaman niya ako ng phone, para akong secret agent na nakak-receive ng mga putol-putol na tawag tungkol sa mission. Ano ba kasi yung ipapagawa niya? Sa naman di ako magmukhang tanga doon.

Then nakarating ako sa matao na McDonalds na isang animo'y ibang planeta para sa isang loner na katulad ko. Sa mistulang dagat ng mga tao ay nakakita ako ng isang babaeng may twin-tails na may green na highlights sa dulo na parang paintbrush na nilagyan ng green na pintura...

"Bakit ka may lumot sa buhok?" tanong ko sa kanya

"AH! ANO BA! QUINCE NAMAN EH NANGGUGULAT KA!" sigaw ni Char sakin

"Kailangan mo ba talagang sumigaw? At anong trip mo at nakasuot ka ng Cookie Monster?" sabi ko habang nakatingin sa picture ni Cookie Monster sa damit niya

"Eh paborito ko si Cookie Monster eh" sagot niya

Then sa pagtatalo namin na ito ay may isang babae sa tabi namin na tahimik na tumatawa na nakasuot ng black and red na checked polo at black na skirt: ang napakagandang si Miyaka Satou...

"Yaharro Quince!" bati niya

"Yaharro Mika-chan, we did great yesterday!" sabi ko

"Hai, we did! I can't wait to play again!"

"Me too"

Then humarap ako kay Char...

"So bakit mo ako pinapunta dito at bakit may lumot ka sa buhok?" tanong ko

"Ang dami mong tanong! Pinapunta kita dito hindi para mang-lait kundi bantayan yung kaibigan ko" sabi ni Char

"Bantayan yung kaibigan mo? So ginawa mo lang pala akong babysitter?"

Mr. Nerd meets Ms. CosplayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon