Isang mapait na ala-ala ang bigla na lang pumasok sa kokote ko, ito yung ala-ala ko na gusto kong kalimutan pero pilit na bumabalik at gumagambala sa'kin hanggang ngayon. Nagsimula lahat na ito nung third year high school ako, notorious ako sa room dahil sa kakaiba at isip-bata kong ugali, isang complex na tinatawag kong "Third Year High School Sickness" (TYHSS for short) kung saan dumadanas pa rin ako ng delusional at fantastic thoughts na pinapagana ng imagination ko katulad ng kaya kong mag-produce ng "Hadouken"[1] o di kaya ng "Kamehameha"[2] sa kamay ko o di kaya'y pilot ako ng isang GAT-X105 Strike Gundam[3] na nilalabanan si Godzilla pero kahit ganito ako ka-weirdo ay nakaka-angat naman ako sa klase, in-fact ay kasama ako sa honor roll simula pa nung elementary kaya ay bansag nila sa'kin ay si "Wilab" dahil nabaliw na daw ako sa talino ko, in-fact ay na-aawa ako sa mga taong nasasabihan ng "We Love You (insert name here)!" dahil feeling ko ay kinukumpara sila sa'kin[4]. Pero kahit na ganito ang ugali ako ay maraming nakakapansin na napaka-bait ko at sa sobrang bait ay inaabuso na rin ako ng ilan at ang nag-iisang tao na tinuring kong kaibigan noon ay ang Class President namin dahil iniintindi niya ang kalagayan ko.
Pero minsan ay may tinatago akong inggit kay Prez dahil boyfriend siya ng Muse ng klase namin: reddish-brown na buhok, maputi at halos transparent nang kutis, mapulang labi, all-natural-no-makeup face at may height na 1.69 meters, si Muse ang epitome ng kagandahan sa klase namin at maraming nanligaw sa kanya pero si Prez lang ang nakatawid sa ilog papunta sa kanya. May secret crush ako kay Muse pero katulad ni Sima Zhao nung panahon ng Three Kingdoms sa China: alam na ng lahat kung ano ang intensiyon ko dahil napaka-obvious na nga daw[5] pero todo deny pa rin ako sa tuwing tatanungin dahil ayokong ma-bash ng iba kong kaklase. Laki na lamang ang tuwa ko ng malaman ko na nag-break na sila Prez at Muse, isa talaga akong schadenfreude[6] dahil natutuwa ako sa break-up nila dahil magkaka-tsansa na rin ako para kay Muse kaso feeling ko eh mali itong binabalak ko kaya sinantabi ko na muna yung naiisip ko na iyon at nag-focus muna sa pag-aaral.
One week later, biglang lumapit si Muse sa'kin at nag-patulong sa lesson at sa assignment. Hindi na ito bago dahil ako talaga ang takbuhan nila kapag di sila nakaintindi pero ang bago sa'kin ay yung pagiging close namin ni Muse, as in close! Ruler's length lang ang pagitan ng mukha naming dalawa habang tinuturuan ko siya tungkol sa topic na tinatackle namin sa Asian History, feeling ko ay sasabog na yung puso ko dahil sa lakas ng heart rate ko.
"Uwah! Ganoon pala iyon! Madali lang pala!" sabi niya na parang madalas na sabihin isang elementary student na naka-salamin.[7]
At three day's time ay ganito ang pag-trato ni Muse sa'kin: nagpapatulong sa lesson at assignment, kasama ko sa aking "lonely table just for one" sa canteen at sumasabay sa'kin pauwi hanggang sa sakayan. Nagkakaroon tuloy ako ng delusion na baka may gusto siya sa'kin pero hindi na lang ako nag-papahalata.
Nung pangatlong araw ng kakaiba niyang ugali ay nagulat ako dahil inantay niya akong matapos sa paglilinis dahil cleaners ako nung araw na iyon...
"Oh! Ba't nandito ka pa?" tanong ko
"Bakit? Hindi mo ba gusto na antayin kita?" sabi niya sa tono na ginagamit niya kay Prez noon
Wala akong maisabing maganda kaya ngumiti na lang ako at napakamot ng ulo then nag-patuloy kaming maglakad palabas sa campus pero ngayon ay nararamdaman ko ang mala refrigerator niyang kamay na nakahawak din sa kamay ko, anong tawag dito? HHWW? Whatever, basta parang ganoon na nga ang nangyayari ngayon. Bigla akong nagkaroon ng urge na itanong sa kanya kung bakit siya ganito sa'kin kaso natatakot ako sa maaari niyang isagot kaya hindi na lang ako nagpahalata.
Tahimik lang kaming naglakad habang papalubog na ang araw at kulay-orange na ang langit at nakarating na kami sa sakayan ng jeep...
"O sige, una na ako" sabi ko
BINABASA MO ANG
Mr. Nerd meets Ms. Cosplayer
Ficção AdolescenteQuince Valmorida, isang otaku nerd and slight negative ang outlook sa buhay... Miyaka Satou, isang cosplayer na animo'y anghel ang kabaitan... Posible ba ang pag-ibig sa dalawang napakalayo ng pagitan sa social hierarchy? Samahan sila kasama ang iba...