It’s still weekend kaya wala akong ginawa kundi ituloy yung manga na dinodrowing ko ngayon. Actually, high school ko pa sinimulan yung manga na ‘to pero di ko natuloy dahil sa depression ko noon kay Maetel pero ngayon ay sa tingin ko ay matutuloy ko na ito; kuwento kasi ng manga ko ay yung babaeng bida ay isang liminal being, hindi siya patay o buhay at gusto niya lang maranasan ang love sa mundo ng mga tao kahit na alam niya na ikamamatay niya ito, kumbaga para akong sumusunod sa mga Shakespearean tragedies dahil in real life ay wala naman talagang happy ending, diba? Hugot pa more.
Anyway, naasar lang ako dahil naubusan na ng tinta yung technical pen na binili ko nung high school, iisang klase lang ng technical pen ang gamit ko, yung 0.5 millimeters at wala nang ibang size dahil una: napakamahal ng techinical pen ngayon at pangalawa: dahil bobo ako sa math at di ko alam ang pagkakaiba ng mga sizes ng mga techinical pen na iyan.
Nagbihis ako ng as usual kong porma: puting t-shirt na may silhoutte ni Hatsune Miku, brown sweater, denim pants at rubber shoes at bumaba sa sala kung saan ay busy pala si Melo sa pag-rerecord ng dance tutorial niya kaya inantay ko munang matapos yung kantang sinasayaw niya bago ako bumaba…
“Oh onii! Saan po kayo pupunta?” tanong ni Melo habang nakatapat sa electric fan
“Ah, sa SM lang… bibili lang ng technical pen at h’wag kang magpatuyo ng pawis, uubuhin ka!”
“Ah! O sige po onii! Ingat po kayo ah!” sabay ngiti
“Ikaw din, ingat ka dito ah”
“Opo onii!”
Hinimas-himas ko yung buhok ni Melo then lumabas na ako ng bahay papunta sa sakayan. Nasa loob ng isang village yung bahay namin at kailangan pang maglakad para makarating sa highway kung saan naroon yung sakayan, actually ay hindi talaga ako sumasakay ng jeep pero dahil natatakot ako ng mawala yung pinakamamahal kong bike sa parking area ng mall ay hindi ko na ito ginagawa.
Sumakay na ako sa isang jeep na biyaheng SM at pagkatapos ko magbayad kay manong driver ay nagulat ako sa isang maliit na boses na tumawag sakin…
“Kuinsu-kun!”
Si Mika pala iyon, napatingin lang ako sa kanya dahil sa suot niya: isang light blue na sleeveless dress na may sulat na “COOL” pero yung dalawang “O” ay hugis heart and siguro mga three or four inches above the knee ang haba nung baba, di ko alam kung naka-suot siya ng kulay magenta na belt o kasama na iyon sa design ng damit niya, naka-suot siya ng brown na sandals (wedge ata ang tawag doon) at headband na may cat ears, may dala din siyang light blue na handbag. For short: ang cute-cute niya! Pero maraming makasalanang mata sa jeep at baka pag-tinginan yung napakakinis, napakaputi at mala-labanos niyang legs at yung kinis-ganda niyang balikat na kulang nalang ay sabihin niya na “You can feel it!”.[1]
“Mika-chan, next time you ride a jeepney, please don’t wear that kind of clothing” sabi ko
“Oh… Sou nanoka? I’m so sorry” sabi niya
Then nagsalita ng Japanese yung katabi niya na color brown ang buhok, nakasuot ng plain white t-shirt na may nakasulat na “TOKYO” pero yung dalawang “O” ay yung pulang bilog sa flag ng Japan, naka-suot ng skinny jeans na medyo bitin at high-cut na sapatos. Di ko maintindihan yung sinasabi nila at sa tingin ko ay hindi lang ako yung di makaintindi sa jeep na ito kaya nag-signal ulit ako…
“Mika-chan, could please speak a little softer? It’s inconvinient to others in here” sabi ko
“Oh… S-Sorry about that” sabi niya ng papahina at para siyang lumubog sa upuan niya
“Y-Yah! Who are you to scord Mika-chan?!?” sabi nung kasama niya in Engrish[2]
“I’m not scolding her, I’m just telling her somethings that she must observe while inside a public vehicle!” pag-reason ko habang iniistress yung “scolding”
BINABASA MO ANG
Mr. Nerd meets Ms. Cosplayer
Novela JuvenilQuince Valmorida, isang otaku nerd and slight negative ang outlook sa buhay... Miyaka Satou, isang cosplayer na animo'y anghel ang kabaitan... Posible ba ang pag-ibig sa dalawang napakalayo ng pagitan sa social hierarchy? Samahan sila kasama ang iba...