Ilang oras din ang ibabiyahe namin papunta ng Quezon at dahil gabi na rin ay nakatulog na yung mga katabi ko sa van. Kami na lang ata nina Ms. Yassi ang gising..."Quince, gising ka pa?" tanong ni Ms. Yassi
"Yep, di ako sanay matulog sa kotse" sabi ko
"Ah ganun ba? Well baka mamaya di ka na makatulog"
"Okay pa ako" sabi ko
Then nakita kong nakatingin siya sa salamin sa kotse at nakatingin sakin galing doon...
"Napakabait mo sigurong tao ano?" tanong ni Ms. Yassi
"Ba't mo naman nasabi yan?"
"Real talk ah. First impression ko sayo nung binabanggit ka ni Mari-Mari sakin ay cool tsaka gwapo ka na pianista pero nung nakita ka namin dun sa grocery ay nagulat ako, mukha ka kasing di naglalalabas ng bahay sa itsura mo"
"Well salamat at nabanggit mo yan, aminado na naman ako doon kaya di na ako nagulat"
"Pero itong si Mari-Mari, inuuna nito yung itsura ng isang lalaki pero in your case, mukhang nakaisip din ng tama tong kapatid ko"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ang oblivious mo naman! May gusto kaya sa'yo si Mari-Mari"
"Eh? Seryoso ka?"
"Oo naman! Sa lahat kaya ng members ng banda niyo, ikaw lang yung kinukwento niya ng matindi. Nagpapaturo pa nga siyang mag-piano sakin kahit na ako rin mismo di marunong"
"Well... salamat kung ganoon pero, alam na siguro niya na may girlfriend na ako"
"Ha? Sino?"
"Itong si Mika, yung lead vocalist namin. Siya yung girlfriend ko"
"Ano ba yan! Iniisip ko pa naman din na single ka. Asa mode nanaman pala tong si Mari-Mari"
"Asa mode nanaman?"
"Oo, parati na lang umaasa na magugustuhan siya ng crush niya. Aminado rin naman ako na kahit maganda tong si Mari-Mari, yung pagiging weirdo niya yung nakaka-turn off para sa iba. Ilang beses na akong iniiyakan ni Mari-Mari dahil either di siya gusto ng crush niya o may gustong lalaki yung crush niya"
"G-Ganun ba? Pasensya na..."
"Ayos lang yun, parte na rin yan ng paglaki niya. And besides, di naman ako galit na indirectly ay masasaktan mo tong kapatid ko dahil nga may girlfriend ka na, I understand naman eh, siya lang talaga yung kailangang mag-mature para maintindihan niya lahat ng bagay"
Well, I should say na matalino't mature talaga itong si Ms. Yassi. Sadyang napaka-protective niya sa kapatid niya tulad ng pagiging protective ko kay Melo. Nakakatuwa talagang makakilala ng mga taong mahal na mahal yung mga kapatid nila dahil bihira na lang kasi yung mga ganoon ngayon lalo na't nilamon na yung atensyon nila ng mga cellphone ay nagiging less and less yung interactions nila. Bakit ba kasi ganyan ang mga kabataan ngayon?
"Di ka pa ba inaantok Ms. Yassi?" tanong ko
"Di pa, effective pa yung tama ko hanggang bukas" sabi niya
"Nakainom ka?" tanong ko
"Hindi, naka-tatlong tasa lang naman ng kapeng barako" sabi niya
"Ah, akala ko naka-inom ka"
"Umiinom nga ako pero sa ganitong mahahabang byahe ay hanggang kape lang ako, mahirap nang mahuli sa panahon ngayon" sabi niya
BINABASA MO ANG
Mr. Nerd meets Ms. Cosplayer
Teen FictionQuince Valmorida, isang otaku nerd and slight negative ang outlook sa buhay... Miyaka Satou, isang cosplayer na animo'y anghel ang kabaitan... Posible ba ang pag-ibig sa dalawang napakalayo ng pagitan sa social hierarchy? Samahan sila kasama ang iba...