Ngayon ay isang back-to-normal Monday. Balik ako dito sa classroom hawak ang bagong bili kong libro ng "Beowulf". Wala namang exciting na mangyayari ngayon, siguro yung bigayan ng grading slips pero hindi na ako na-eexcite dahil alam ko na average grades lang naman ang makukuha ko...
Habang nagbabasa ako ay umupo sa harapan ko si Rianne at ramdam ko na medyo kinakabahan siya sa results niya.
"Ah... ano... Kuya Quince?" tanong niya
"Bakit?" tanong ko
"Uh... hindi po ba kayo kinakabahan sa grades niyo po?"
"Hindi naman kasi sure ako na average grades lang naman makukuha ko at kung may fail man ako ay mababawi ko pa naman yun sa midterms at finals"
"G-Ganun po ba?"
"Sure naman akong papasa ka Rianne eh" kahit di ko alam kung gaano ba kataas yung intellect niya...
At ngumiti siya nung sinabi ko yun at sakto din pagkatapos nun ay dumating na rin si Prof dala ang mga grading slips namin.
"Alright class so tatawagin ko kayo alphabetically at lumapit kayo dito para makuha yung grading slips ninyo" banggit ni Prof
Then medyo naging tense ang atmosphere sa loob ng classroom, hay! Nakakaasar yung ganito, dib a nila naisip na unang grade pa lang yun at kayang-kaya pa naman nila mabawi? Mga taong mababa nga naman ang self-esteem...
"Centeno, Adrianne?" tawag ni Prof
Dahan-dahan siyang lumapit kay Prof at nung nai-abot na sa kanya yung grading slip niya ay nakita ko yung ngiti sa mukha niya. Bwiset, kung babae ka lang ay mahuhulog na ako sa'yo. Ilang pangalan pa ang tinawag. Siya nga pala, late nanaman ba si Mika?
"GOMENASAI!!!" isang malakas na sigaw na humahabol ng hininga ang narinig namin sa room
"Ah, Ms. Satou... you're late again" sita ni Prof
"I'm so sorry sir... I *gasp* overslept sir..." banggit niya
"It's fine Ms. Satou, please go to your seat" sabi ni Prof
Then nagmamadali siyang umupo sa upuan niya, medyo haggard nga yung itsura niya pero maganda pa rin, siya lang ata yung tao na maganda pa rin kahit na anong mangyari eh. Napansin ko rin na nabanggit ko na rin ata dati yung mga linya na yun? Di bale na, ang mahalaga ay nandito na siya...
"Satou, Miyaka"
"Hai!" pagtaas niya ng kamay
Medyo tumawa yung iba kong mga kaklase sa ginawa niya...
"Please come here and get your grading slip" banggit ni Prof
"O-Oh... I'm sorry" pag-bow niya
Tumayo siya at lumapit kay Prof then may bulungan na nangyari sa kanilang dalawa. Hindi ko marinig yung usapan nila pero base sa "lip-reading" skills ko ay parang may something sa grades ni Mika at dinidiscuss ngayon ni Prof ang dapat gawin ni Mika, naku! Bumagsak kaya siya? Well, kung ganoon ay tutulungan ko siyang makabawi sa Midterm exams.
Bumalik na siya sa upuan niya at tumingin sa'kin na nakangiti, tingin ko ay nakapasa na siya then tumunog agad yung bell. Teka prof! Yung grading slip ko!
"Sir! Yung grading slip ko po sir, Valmorida, Harlequin" paghabol ko kay sir
"Ah, here..." pag-abot niya
And as usual, one point somethings ang grade ko sa lahat ng subjects. Pagbalik ko sa classroom ay kinausap ko si Mika...
"What did Prof say about your grades?" tanong ko
BINABASA MO ANG
Mr. Nerd meets Ms. Cosplayer
Teen FictionQuince Valmorida, isang otaku nerd and slight negative ang outlook sa buhay... Miyaka Satou, isang cosplayer na animo'y anghel ang kabaitan... Posible ba ang pag-ibig sa dalawang napakalayo ng pagitan sa social hierarchy? Samahan sila kasama ang iba...