01

1K 12 0
                                    


01

Napangiti ako ng makarating sa bahay namin, excited na akong makita sila Mommy para kausapin sila kung kailan kami magbabakasyon sa Manila. Agad akong pumasok sa pintuan pero bago pa ako makapasok doon ay narinig ko silang nag-aaway.

"Paano si Mishy ha? Eugene?! Paano ang anak mo!" sigaw ni Mommy ang namutawi sa buong kabahayan.

"Ellaine, dadalhin natin siya sa Estados Unidos para mapagamot siya." marahan na paliwanag ni Papa. "Kaya nga mauuna ako."

"Mahal naman! Hindi ko kayang mag-isa dito! Alam mo naman ang kondisyon ni Mishy diba?" pagmamakaawa ni Mama. "Wag ka munang umalis."

Niyakap ni Papa si Mama. "Okay, hindi ako aalis. Wag ka ng magalit, aalagaan natin si Mishy."

I was just 6 years old that time and I don't know what's going on. Why is my Mama crying about me? And what is my condition?

"Ma, kailangan ba talaga 'to?" malungkot na tanong ko kay Mama. "Mama, masakit po 'to."

"Anong sabi ni Mama, anak? Gagaling ka ha?" tila nahihirapan na si Mama sa akin. "Hindi ka susuko diba?"

"Mama," humikbi ako. "Why am I bleeding? Why is my skin having some red spots?"

Napaayos ng tayo si Mama, tuminghala siya at palihim na nagpunas ng luha niya. I don't understand why is my Mama acting like this? I don't know.

Growing up, I saw myself diagnosed in the hospital without knowing everything, walang sinasabi ang parents ko sa akin. They didn't want me to know about my condition since I'm going well naman daw.

My mother gives me everything that I need and wants, naramdaman ko ang sobrang pag-aalaga at pagmamahal nila sa akin ni Papa. Until now, I didn't know what's going on with me kahit pa gaano ko pa kagusto ang malaman ang lahat.

"Ellaine, hija." bati ni Lola Rebecca ng makarating kami sa malaking mansion nila dito sa San Alfonso, kababalik lang namin galing Manila.

"Oh, Mama." humalik si Mama kay Lola. "Kamusta po kayo dito? Oo nga pala, Ma. I'm with Mishy."

Nagmano ako kay Lola. "Namiss po kita, La!"

"Namiss din kita, hija. So ano? Maganda ba ang Manila?" ginulo ni Lola ang buhok ko. "Nag-enjoy ka ba doon?"

"Mausok." komento ko. "Hindi katulad dito sa San Alfonso."

"That is a city life, love." Mama chuckled a bit. "And San Alfonso is a small hometown with Hacienda's and Azucarera's."

"Speaking of that, nakausap mo na ba si Daisy about sa offer? Ellaine?" Lola asked firmly to my Mama.

"Hindi ko alam kung papayag siya, Mama." suminghap si Mama ko. "It seems like her child wants city life unlike Mishiella."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Mama. Who's unlike me? I didn't know ah?

"Ganoon ba? Oh." tumango na lamang si Lola bago bumaling sa akin. "What do you want, my dear? Lola can give you everything."

"I want a baby, La." malungkot na sabi ko. "I want to have my own baby."

Hinalikan ako ni Mama sa noo. "One day, anak. You can have one."

"Paano po kapag hindi?" malungkot na pahayag ko. "Gusto ko ng baby, Mama."

Napatikhim si Lola bago siya magsalita. "You have one din soon, hija. Wag kang magmadali na magdalaga. Masarap maging bata."

Tumango na lamang ako bago umakyat sa taas, alam ni Mama kung gaano ko kagusto na magkaroon ng baby o kahit kapatid man lang. Wala kasi akong kapatid at nag-iisa lang ako dito sa hacienda namin, nakakalungkot nga eh kasi nga ako lang dito mag-isa. My cousins are all in abroad.

Somewhere In San Alfonso (Manila Avenue Series #5)Where stories live. Discover now