15

465 8 1
                                    

15

I woke up in the morning not really feeling well. Kailangan kong umalis ngayon dahil may klase pa ako sa Manila. At hindi na maganda ang pakiramdam ko dito, hiniling ni Kio sa akin na lumayo muna dito.

"Mishella." bumukas ang pintuan at bumungad si Mama. "Totoo ba ang sinabi nila ni Luna?"

"Ma." matamlay akong ngumiti. "I'm sorry. Naglihim ako. Wag po kayong magalit."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" naluluha na si Mama. "Did he really violate you?"

"O-Oo." mapait akong ngumiti. "Wala akong kasalanan, Mama. Hindi ko naman po kasalanan na malasing kami pareho ng gabing 'yon at may nangyari sa amin. Alam kong ako 'yong sinisisi niya kaya niya ako ginaganito, Mama. It wasn't not my fault. At kung may kasalanan man ako, siguro 'yon lang ay minahal ko siya ng sobra-sobra."

"I'm sorry, anak." Mama cried as she hugged me tight. "Kasalanan ko 'to."

"Wag niyo ng sisihin ang sarili niyo, Mama. Walang may gustong mangyari ito. Inaamin ko Mama, sinamantala ko 'yong pagkakataon na 'yon para pakasalan ako ni Vince at maging akin siya. Kasalanan ko naman kasi in the first place kasi nagbabakasakali ako na pwede niyang ibaling ang pagmamahal niya sa akin, na pwede niya rin akong mahalin katulad ng pagmamahal niya kay Jen. Masyado lang talaga akong umasa na balang araw makikita niya ako bilang babaeng nagmamahal sa kanya pero nagkamali ako, Ma. Ni kahit minsan hindi niya ako tinignan at pinandidirian niya ako bilang asawa niya."

"I already called the lawyer, we will justifes everything." naginginig si Mama sa kakaiyak. "Hindi ako makakapayag na makawala siya sa batas."

"Ma? Can I ask something?" I sighed heavily as I cried nonstop. "Can you atleast let him go? Wag niyong ituloy ang kaso. Ayokong makulong ang ama ng batang dinadala ko."

"But he needs 'to!" salungat ni Mama. "Hindi ako papayag na hindi ka mabibigyan ng hustisya sa ginawa niya sa'yo, Mishella. Hindi ko siya kayang patawarin."

"Ma, mahal ko pa rin siya." mahinang sabi ko. "Hindi ko siya kayang bitawan, Mama. Kahit hindi niya talaga ako magawang mahalin, manantili pa rin ako sa kanya."

"Tigilan mo na ang kahibangan mo, Mishella. Iaalis kita dito, uuwi tayo sa Spain." untag ni Mama.

Nagsisisi akong nalaman pa nila ang lahat, sana pala ay hindi ko na lang pinaalam kina Luna ang lahat. Natatakot ako na baka magkatotoo ang sinabi ni Mama, ayokong umuwi ng Spain. Ayokong manatili doon.

Bakit parang mas lumala lang ang lahat dahil sa sinabi ko? Bakit ba kasi hindi na lang ako ang mahalin niya? Nandito naman ako e. Kailan ba ako maging sapat sa kanya?

Am I not enough?

Pinuntahan ko si Vince sa kanila, I risk everything even if my condition is sensitive. Hindi ako dapat mapagod at mastress pero heto ako at umiiyak na naman. Halos araw-araw na lang akong naging ganito, hindi ako nilulubayan ng problema at lungkot.

I keep questioning myself. Hindi ba ako karapat-dapat na mahalin? Hindi ko ba deserve ang sumaya? Hanggang kailan ang sakit na nararamdaman ko ngayon? Pagod na ako e. Pagod na pagod to be exact.

Nagkaharap na kami ng pamilya ko at ang pamilya ni Vince na nagmamakaawa na iurong ang kaso laban sa anak nila. Galit na galit ang mga magulang ko dahil sa nangyari, I know that Vince is at fault pero narealize ko na sana hindi ko na lang pala sinabi 'yon. Mas naging mahirap lang ang sitwasyon namin ngayon.

"We will file an immediate annulment for the both of them." walang emosyon na sinabi ni Papa. "Binabawi na namin ang anak namin sa inyo, Cady."

"Pwede namang mapag-usapan ang bagay na 'to, Eugene." pigil ni Mommy. "Ayokong maging eskandalo ang pamilya natin."

Somewhere In San Alfonso (Manila Avenue Series #5)Where stories live. Discover now