06

418 10 1
                                    

06

"Are you Mishella Samaniego?"

I saw the girl standing infront of me. Nakataas ang kilay niya at tila nanantiya ng tingin sa akin. Mukhang mataray din ang isang 'to at ma-attitude. She's beautiful at mabait naman ang aura niya pero napapansin ko na halatang spoiled brat siya. I can see it.

"Yes?" I smiled at her. "Why? Is there something wrong?"

"Nothing." she stated firmly. "I just want to tell you that we are in the same group in our school camp and we need your participation. Ayoko sa mga kagrupong pabuhat lang. As long as you can, you'll help us for this camp."

"Oo naman." masiglang sagot ko. "Kailan ba 'yan?"

"15th of August. It's overmorrow." she said in so much authority.

Ngumiti ako. "Sige, tutulungan ko kayo."

"Dapat lang." umirap siya. "Hindi porket bago ka ay hindi ka na kasali diba? You are not an exception, girl."

I chuckled a bit because of what she's said. "Sure."

"Aviegail!"

Pareho kaming napalingon sa tumawag sa babae na Aviegail daw, sa hindi kalayuan ay nakita ko si Kio na papalapit sa amin. Ngumiti ako sa kanya ng ngumiti siya sa akin. So friend niya ang babaeng 'to?

"What?" mataray nitong tanong.

"Wag kang mang-aaway, Avi. And this girl is a friend of mine." babala ni Kio at nilingon ako. "Sorry sa pagtataray niya ha? Nature na niya 'yon."

"Okay lang, Kio! Ano ka ba." sambit ko. "Kinausap lang naman niya ako about doon sa nalalapit na school camp e."

I heard Avi stomped her foot to stop us from talking. Lumapit siya kay Kio at inangkla ang kamay niya sa braso nito, ginulo niya ang buhok ni Avi at natawa.

Hindi ko maiwasan na mapangiti dahil sa inasta ni Avi, naalala ko na madalas din akong maging clingy kay Vince kapag trip ko. May side sa akin na masaya kapag naiisip o naalala ko 'yon pero may side din na nalulungkot ako kasi 'yong buong atensyon niya ngayon ay hindi na para sa akin.

It's fine with me as long as he will never left me. Matitiis ko naman 'yon e, kakayanin ko 'yon. At kung sakaling tuluyan na siyang mawawala sa akin pagdating ng panahon ay baka doon na ako kikilos para kunin siya.

I'm not a selfish kind of girl but I am ready to be once Vince will owned by somebody else. Kaya ko 'pang tiisin na may girlfriend siya at commited na siya pero ibang usapan na 'yon kung magpapakasal na siya. Hindi ako papayag doon. Ibang usapan na 'yon.

"You're whipped!" I heard Kio chuckled as he eyed me. "As I have said to you, Mishy. Ang bata mo pa."

"Paki mo naman?" sarkastiko kong sabi. "Eh gusto kong isipin e. Ikaw din, mag-isip ka din sa crush mo kung naiingit ka. Duh?"

Tumikhim si Avi at kinalas ang pagkakahawak niya kay Kio, naglahad siya ng kamay sa akin and this time ay nakangiti na siya. Hindi naman siguro siya napipilitan na makipagkilala sa akin?

"Aviegail Isla." mataray pa rin niyang sabi at umismid. "And you are?"

"Hi! I'm Mishella Samaniego." tinangggap ko ang kamay niya. "Please to meet you, Avi."

Ngumiti na siya sa akin. "Likewise, Mishy."

Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa na papasok muna sa klase ko dahil malapit na ang time for my exam. They also bid thier goodbye to me because same as me ay may exam din sila ngayon.

Marami akong naging kaibigan sa Ateneo High na naging malapit sa akin, mabilis lang naman silang pakisamahan lalo na ang mga lalaki na kaklase ko. Some of them are good to me, wala akong nakikitang kapintasan sa kanila.

Somewhere In San Alfonso (Manila Avenue Series #5)Where stories live. Discover now