21

486 7 5
                                    

21

Ang bilis ng panahon at parang kailan lang ay pinangarap ko pa na magkaroon ng sarili kong pamilya pero ngayon ay natupad na. Hindi man ganoon kaperpekto ang pamilya namin atleast we do everything to be happy.

As the time runs fastly, we both understand that we need to build our family. Na kailangan namin na magkasundo ni Vince para sa mga anak namin. Alam kong mahirap magpanggap pero wala akong magawa, hindi niya ako mahal e. Ipipilit ko pa ba talaga na gagawing totoo ang lahat?

Isang taon na ang nakakalipas mula ng ipanganak ko ang kambal. Mas nakita ko ang pagkakaiba ng mga anak ko sa akin, tanging ang mapupulang labi lang ang nakuha nila sa akin samantalang ang mukha nila at postura ay nasa asawa ko.

"Natapos mo na ba ang plates mo?" salubong ni Vince sa akin ng makapasok ako sa kwarto ng kambal. "Pupunta tayo sa Boracay bukas."

"Oo, kanina pa. How's the kids? Hindi ba sila pasaway?" tanong ko kay Vince at nilapitan ang kambal para mahalikan ko.

"Hindi naman sabi ng nanny nila. Naghahanap nga lang sa atin." pagod na sambit niya.

Suminghap ako bago nilapag ang bag na dala ko sa kama at blueprint. Kinarga ko si Ashell ng umiyak na naman siya. Nakatingin lang sa akin si Vince bago siya dumiretso sa kama at humiga. Kalaunan din ay nakatulog na siya pati ang kambal.

Maingat kong nilapag si Ashell sa crib niya at tinignan ko na din si Asierra na natutulog na rin. Hindi pa siguro sila nakainom ng gatas kaya sila umiiyak kanina. Ang iyakin pa naman nilang dalawa.

And speaking of my husband na ngayon ay tulog mantika na ay pupunta raw kami sa resort para sa birthday ni Mommy na gaganapin doon. Sa sobrang busy ko sa school ay halos makalimutan ko na 'yon, mabuti na lang at pinaalala niya.

Naligo na muna ako at nag-ayos ng sarili, nagsuot muna ako ng bathrobe at nag-blower ng buhok. Gigisingin ko na si Vince mamaya para makapagpahinga na siya sa kwarto niya. Halata kasi na wala siyang tulog e.

Simula ng manganak ako sa kambal ay hands on na kaming dalawa sa mga anak namin, siya ang halos gabi-gabi na nagpapatulog sa kambal dahil sa pagod akong mag-alaga buong araw at hindi din ako pwedeng mabinat. He's too careful to our children, nakikita ko kung gaano niya kamahal ang mga anak namin. It's enough for me.

As time passes by, nakikita ko ang pagbabago niya sa sarili simula ng dumating ang anak namin. Akala ko nga noon ay wala lang siyang pakialam sa amin e, dahil iresponsable siya pero mali ako. Mahal na mahal niya ang anak ko, naramdaman ko 'yon. He's a good man and a good father to our children.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay sumampa ako sa kama at tinignan ang maamo niyang mukha. Masyado siyang tulog para malaman niya na tinitingnan ko siya ngayon. Napakaperpekto niya, ang swerte ni Jen. Mahal na mahal siya ni Vince. Kung sana ako na lang diba? Nevermind.

"Hey, you should change now." marahan ko siyang ginising. "Maligo ka na doon sa kwarto mo at magpahinga. Ako na lang muna dito."

"Hmm." ungot niya at hinila ako dahilan para bumagsak ako sa ibabaw niya. "Pagod ako, Mish. Magpahinga muna tayo."

"Ikaw 'yong pagod e, magbabantay lang ako sa mga anak natin. Go and change now, magpahinga ka na. May business meeting ka pa bukas diba?" mahinahon na sabi ko. "Sige na, ako na ang bahala dito."

Kumawala ako sa pagkakayakap niya pero mas lalo lang 'yong humigpit kaya sinapak ko na siya sa dibdib pero tumawa lang siya na parang hindi ko siya madadala sa ganito. He directly switch our posistion kaya nasa ibabaw ko na siya ngayon. Ano na naman kaya ang drama ng lalaking 'to?

"What?" I hissed. "Stop it! Hindi nakakatuwa e. I am not Jen, remember?"

"Alam ko 'yon." sumimangot siya. "Masama ba na lambingin ka? Minsan nga lang tayong magkita tapos magsusungit ka pa?"

Somewhere In San Alfonso (Manila Avenue Series #5)Where stories live. Discover now