22

503 6 4
                                    

22

Maaga akong nagising para magluto at makapaghanda na rin para sa pag-alis namin papuntang Boracay. Inabala ko ang sarili ko sa pagawa ng plates at pag-aaral habang nagluluto, malapit na naman kasi akong matapos e. Konti na lang talaga.

I turned off the stove as I go back on my reviewers ng biglang may yumakap sa likod ko, humalik siya sa aking buhok bago sumiksik sa leeg ko. I rolled my eyes as he chuckled at my reaction.

"Magandang umaga, maganda kong asawa." mapaglarong aniya. "Ang ganda pa rin kahit hindi pa nag-aayos."

"Kumain ka na." hindi ko pinansin ang sinabi niya.

"Nagtatampo pa rin ba sa akin ang asawa ko?" ngumisi siya. "Halika nga dito, kandungin kita para bumalik ka sa mood."

"Hindi nakakatuwa." sarkastiko kong sambit. "Galit pa rin ako."

Ngumingisi pa rin siya kaya iniwan ko na siya doon at inasikaso na ang kambal para makaalis na kami. Bakit ganoon siya? Nakahithit ba 'yon ng katol? Well, I am not in the mood!

Napagpasyahan ni Vince na gumamit na lang daw kami ng private plane papuntang Boracay para safe sa mga bata at hindi na rin hassle masyado. And for my point, ayos lang naman sa akin ang kahit ano. Wala naman akong pakialam sa desisyon niya. I don't mind his own business.

Pagdating namin doon sa resort ay agad kaming dumiretso sa lobby ng hotel para makapagcheck-in, kinarga niya si Ashell habang hawak ko naman si Asierra sa mga bisig ko. Ngumuso ako ng siya na ang lumapit sa receptionist para makapag-book kami ng hotel.

Pinalitan ko muna si Asierra ng diapper sa restroom bago lumabas at bumalik doon kung nasaan si Vince. Hindi pa nga ako nakakalapit ng matanaw ko siyang may kausap na babae at talagang nagtatawanan pa talaga! Dinamay pa talaga ang anak ko sa kalandian niya!

"Kailan ka pa dumating, Pam?" rinig kong tanong niya sa babae.

"Last week lang! So ano? Game tayo for inuman next weekends?" anyaya naman ng babae.

"Sure!" at talagang pumayag pa ang malanding 'to.

Tumikhim ako dahilan para matahimik sila at humarap sa akin, ngumiti sa akin 'yong babae pero hindi ko talaga kayang makipagplastikan. Mabuti sana kung kina Avi at Hailey pero sa babaeng 'to? Duh. Hindi ko naman siya kaibigan!

"Your wife, Vince?" she asked in a girly voice.

"S-She's my---" I cut Vince off.

"I am his friend, dear." sarkastiko kong sabi bago kinuha ang anak ko sa asawa ko. "Aalis muna kami ha? Nakakaistorbo na ata kami sa inyo e. Nakakahiya naman, may mga bata pa naman akong dala. Next time kapag maglalandian kayo, wag sa harap ng mga anak ko kasi baka ma-adopt nila ang masamang epekto e. Nagkakaintindihan ba tayo?"

Inagaw ko ang keycard kay Vince bago nagpatiunang umalis, nagpaalam naman agad siya sa babae niya at sinundan pa talaga ako! Kinuha niya si Ashell sa akin at siya na ang kumarga sa anak namin. Nanatiling walang emosyon ang mukha ko ng papasok na kami sa elevator. Bahala nga siya!

Nakita ko siyang ngumuso bago magpaalam sa akin na aalis siya, inirapan ko na lang siya at hindi na pinansin. Saan na naman kaya 'yon? Babalikan na naman ba niya ang babae niya?! Edi wow! Magsama silang dalawa doon!

Inis kong kinuha ang phone ko sa bedside table ng tumunog ito, It was Avi. May problema kaya sa Manila? Bakit napatawag siya? Baka inaway na naman siya ng Kuya niya o hindi kaya umiyak na naman siya dahil may boyfriend ang crush niya!? Serves her!

"Bakit?!" inis kong salubong sa kabilang linya. "Anong problema mo, Aviegail?!"

"Tangina, bumaba ka sa hotel. Nasa cottage kami." mataray niyang sagot.

Somewhere In San Alfonso (Manila Avenue Series #5)Where stories live. Discover now