16

450 11 0
                                    

16

"Mishy! How are you?!"

Kumunot ang noo ko ng bumukas ang pintuan ng condo ko at bumungad doon si Avi kasama si Kio, Vinsyl at Luna. Anong ginagawa nila dito? And wait! Diba may klase sila ngayon? Don't tell me na nag-cutting classes ang mga 'to?

"Bakit kayo nandito?" tinaasan ko sila ng kilay. "Diba nga may klase kayo?"

"Edi nag-cutting, ano pa ba? As if naman hindi mo gustong nandito kami. Eh kami nga miss na miss ka na nga namin, hindi mo ba talaga kami namiss ha? Ang sama naman ng ugali mo kung ganoon!" untag sa akin ni Avi.

Ngumuso si Vinsyl. "Oo nga."

"At ikaw Vinsyl? Hindi ba may klase ka sa Sanville? Bakit ka nandito sa Manila?" nilingon ko siya.

Natawa siya. "Chill! Binibisita lang talaga kita dito at si baby!"

Agad siyang lumapit sa akin at hinalikan ang umbok ng tiyan ko, ngumuso lang ako bago sila inayang maupo na muna dahil mukhang kanina pa sila nakatayo. Fine!

Inutusan ko muna si Kio at Vinsyl na pumunta sa grocery store para bumili ng mga sahog na lulutuin ko, nagpresinta namang sumama si Avi sa kanila kaya ako na ang naiwan dito. Ngumiti si Luna sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Kamusta ka at ang baby?" nag-aalalang tanong niya. "Oo nga pala, pasensya na dahil nalaman nila 'yong sikreto natin. Nag-freak out lang talaga ako dahil sa nalaman ko, and I am not sorry kasi nakulong ang asawa mo kundi dahil pinangunahan kita."

"No, It's okay." ngumiti ako. "Wala kang kasalanan, that's my entire fault."

"Wag mo palaging sisishin ang sarili mo, Mish." marahan na pakiusap ni Luna. "As what you just say, hindi mo naman ginusto ang lahat."

Malungkot akong ngumiti sa kanya bago tumalikod sa gawi niya, magpapasama na lang siguro ako mamaya sa Ateneo para magpaalam sa instructor ko na online class na muna ako. Isasama ko si Luna doon.

It's been a month since I left to San Alfonso, I heard that nakalabas na raw si Vince. Kamusta na kaya siya? Nandoon pa rin ba siya sa hacienda o nandito na siya sa Manila? Namiss ko siya bigla.

"Ano na naman ang iniisip mo?" panira naman ni Luna. "Don't tell me, that guy na naman?!"

I rolled my eyes. "Syempre nag-aalala ako, asawa ko 'yon e."

"Ugh! Fucking martyr!" umismid siya.

Suminghap na lamang ako at hinawakan ang umbok ng tiyan ko, ayoko na sanang lumabas ngayon pero wala akong choice dahil kakausapin ko ang head ng school ngayon. Aayusin ko na 'yong class schedule ko dahil medyo conflict na ito dahil iba na naman ang sched ko.

We decided na pumunta muna kaming mall ni Luna, I already texted sila ni Vinsyl na may pupuntahan kami para hindi na sila mag-alala sa amin. Namili muna ako ng dress na maging komportable ako bago ako nagtingin-tingin sa baby section kasama si Luna.

"Ano kaya ang gender niya 'no? Super excited na akong maging ninang!" humagikhik siya. "Sana girl 'no?"

"Sana nga babae." hinaplos ko ito bago siya tinignan. "Nagugutom na ako, alis na tayo?"

"Okay! Let's go!" nagpatiuna na siya sa akin.

Napagdesisyunan ko na dumiretso sa school matapos namin dito sa mall, mabuti na lang talaga at sinamahan palagi ako ni Luna kahit saan ako maglakwatsa. What if hanapin siya ni Kuya Sky? Hindi ba 'yon magagalit? Like ayaw na ayaw pa naman niyang aalis si Luna ng walang paalam? Eh hindi ata nagpaalam ang isang 'to e.

"Hey! You are here!" hinalikan ako ni Hailey sa pisngi. "May pupuntahan ka ba?"

Matipid akong ngumiti. "Sa principal sana kaso nag-aalangan akong dumaan sa gym, baka kasi bawal dumaan doon. Alam mo na."

Somewhere In San Alfonso (Manila Avenue Series #5)Where stories live. Discover now