03

483 9 0
                                    

03

A year after my parents told me that I have a Leukemia and I need a week chemotherapy, we decided that we should stay in Manila for a month. Nagpapagaling ako dito pansamantala pero uuwi naman kami agad sa San Alfonso.

Gusto ko ng umuwi sa probinsya para doon magpahinga, mas lalo lang kasi akong magkakasakit dito kung mananatili ako sa syudad na 'to. Yes, I love city before but I can't for now. Hindi muna ako mananatili dito ngayon besides, I'm healing now.

Sabi ni doc ay maayos na daw ako. And finally nagbunga rin ang lahat ng sakripisyo nila Mama sa akin na ilaban ako sa sakit ko dahil gumagaling na ako. I am happy too. Masaya ako at nagpapasalamat ako sa poong maykapal na binigyan niya pa ako ng pagkakataon na mabuhay.

"Anak? Kailan mo sasabihin kay Vince ang tungkol sa kondisyon mo? I know that you two are close and have a thing." Mama asked worriedly. "Hindi mo ba sasabihin sa kanya?"

Suminghap ako. "Ayoko ng mag-alala siya sa akin, Mama. Mas mabuti sigurong tayo na lang ang nakakaalam. Ayokong problemahin niya pa ako. I'm fine."

"Kayo na ba?" marahan na tanong ni Mama sa akin. "Gusto mo siya?"

Wala sa sarili akong napatango dahil sa totoo lang ay gusto ko talaga siya. Hindi ko naman agad naramdaman 'yon noong una pero narealize ko na sa paglipas ng panahon ay mahalaga na siya sa akin. Na gusto ko siyang makasama habangbuhay.

Alam kong hindi madali ang lahat lalo na at mga bata pa kami. May posibilidad din na magbago ang nararamdaman namin para sa isa't isa pero hanggat ako pa 'yong mahal niya, akin siya. Sa akin siya dapat.

"I love him." tanging nasabi ko.

Mom sighed heavily. "You know what? That's hard, baby. Masyadong komplikado ang pumasok sa relasyon na hindi planado tho hindi kita pinipigilan na makipagrelasyon pero sana isipin mo ang kalalabasan nito. Nag-aalala lang ako sa'yo, Mish. You're only 14 and tho you fall inlove with him. Hindi ba 'yan laro lang, anak? Mukhang maaga pa ah?"

"Ma, siya na lang ang meron ako at kayo." suminghap ako. "Ayoko siyang mawala dahil lang sa masyado pa akong bata para dito and besides I won't do some stupid actions that can leads us in so much consequences."

"Okay." Mom muttered in defeat. "No matter what happens, darling. Please come back to me, come back to us."

Niyakap ko si Mama at nagpasalamat sa kanya dahil sa hindi niya pagsuko sa akin. Kung hindi dahil sa kanya at kay Papa ay baka matagal na akong sumuko sa kondisyon ko but despite of the hardships and pain that I encountered, hindi ako sumuko. I still want to live and achieve my dreams.

Unti-unti ko ng naramdaman na bumabalik na ako sa dati. Ang sabi sa akin ng doktor ay maayos na ako sa wakas at wala na silang nakitang cancer blood sa katawan ko, kailangan ko lang talaga na uminom ng gamot na binigay nila sa akin.

Kinuha ko ang duffel bag ko bago nilisan ang kwarto. Pinayagan na kasi ako nila Papa na pumasok sa school, ayaw pa sana ni Mama pero nakiusap na ako. Ayokong umabsent ngayon. Kailangan kong pumasok.

Excited akong tumakbo papasok sa campus ng maabutan ko doon si Summer sa may lobby na nakasandal sa pader. May hinihintay ba siya? She seems so horrified.

"Summer?" tanong ko sa kanya. "What's wrong?"

"W-Wala." nautal pa siya.

Ngumiti ako at niyakap siya. "Sam! Namiss kita!"

Napakagat-labi siya at nag-iwas sa akin ng tingin. Hindi ko inaakala na close na kami ni Sam agad ng pumasok ako sa school na 'to tho palagi kaming nag-uusap via online kapag nasa Manila ako. Hindi naman siya tuliro kapag nakikipag-usap sa akin noon pero bakit ngayon? Ang weird niya.

Somewhere In San Alfonso (Manila Avenue Series #5)Where stories live. Discover now