28

578 7 6
                                    

28

Hinaplos ko ang lapida ni Asierra at nilapag ang bulaklak sa puntod niya. Naupo ako sa gilid habang hawak ang kandila at nilagay 'yon malapit sa may bulaklak. I sighed heavily as I stared at the grave.

Asierra Patrice Alde
Born: August 15 2012
Died: August 29 2016

Ilang buwan ng lumipas simula ng iwan niya kami pero hindi ko maiwasan na mangulila sa anak ko. Sobrang sakit pa din ng pagkawala niya. Wala na 'yong isang kambal ko, wala na si Asierra.

"Baby? Masaya ka ba sa langit?" tanong ko sa puntod niya. "Hindi mo ba ako namiss? Sana nandito ka pa baby. Miss na miss na kasi kita e."

As usual ay walang sumasagot sa akin sa tuwing nagtatanong ako. Mapait akong napangiti sa kawalan ng marealize kong talagang wala na siya. Iniwan na niya talaga kami.

Matapos kong bumisita sa memorial park ay napagpasyahan kong pumunta sa Ateneo High para sunduin si Ashell na naghihintay na ngayon sa akin sa may gate nila. Ngumiti ako at agad siyang sinalubong ng yakap. I know that despite of everything, ang ngiti niya ngayon ay hindi katulad ng noong nabubuhay pa si Asierra. It's like there is something lost.

Sobrang bilis ng mga pangyayari na halos hindi ko na namamalayan na lumilipas na lang bigla, parang kailan lang kasi ay kasama pa namin si Asierra e. Ang hirap tanggapin sa parte ko pero kailangan kong umusad.

"Are you planning to live in Spain after you graduate? Susunod ka sa parents mo doon?" malungkot na tanong ni Avi.

"Oo, I need to." suminghap ako. "Aalis na talaga kami and that's final."

"Hindi ka na ba talaga namin mapipigilan?" tanong naman ni Myx.

"Oo nga." natawa pa ako sa drama nila. "Ano ba kayo, kailangan kong umalis para makapag-isip at para na rin hanapin ang sarili ko."

"Naiintindihan ka namin, mag-iingat ka doon ha? Wala kami doon para alagaan ka." si Kio naman. "At alagaan mo rin si Ashell doon, ramdam namin na malungkot pa rin siya ng mawala ang kakambal niya."

Malungkot akong ngumiti. "Hindi ko na alam kung saan magsisimula, Kio. Sobrang hirap magsimula ulit."

Niyakap nila ako ng mahigpit. Ang saya ko ng makilala ko sila even tho hindi ako nagsasabi ng mga problema ko sa kanila, they still here at my side. Palagi nilang pinaparamdam na nandito lang sila palagi para sa akin and I am happy with it.

After I visited them ay umuwi na ako sa bahay para puntahan si Ashell dahil uuwi na kami ng QC, nandito kasi kami ngayon sa Manila dahil may pinuntahan ako. Hindi naman ako nahirapang hanapin siya dahil nakita ko siya agad. He is with his father.

Masaya akong nagkausap na sila at pinatawad na rin ni Ashell ang Papa niya, siguro ako na lang 'yong hindi nakakausad sa nakaraan kaya malungkot pa rin ako. Agad akong ngumiti sa anak ko at niyakap siya ng lumapit na siya sa akin.

"Mama? Hindi ba sasabay sa atin si Papa?" tanong ni Ashell. "He will go home too."

Tinignan ko si Vince bago bumaling sa anak. "May business meeting si Papa sa Singapore eh, hindi na siya makakasabay sa atin."

"Maghihiwalay na ba talaga kayo?" malungkot niyang tanong.

Lumuhod ako sa harap niya para maka-level ko siya. Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya kaya sumimangot siya sa ginawa ko. I chuckled a bit because of his reaction. Alam kong hindi pa niya naiintindihan sa ngayon dahil masyadong kumplikado pa ang lahat pero ipapaliwanag ko din pagdating ng panahon.

"May mga bagay kasi anak na kailangan na lang ibaon sa limot." mahinahon na pahayag ko. "May mga bagay na sobrang hirap bitawan pero hanggang dito na lang."

Somewhere In San Alfonso (Manila Avenue Series #5)Where stories live. Discover now