35

875 12 1
                                    

35

Nagising ako sa sinag ng araw na naaninag ko sa may terrace at akmang babangon na sana ako ng may mga bisig na yumapos sa akin. Mahigpit ang pagkakayakap ni Vince sa akin na tila tatakasan ko siya anytime.

Suminghap ako at sinubukan kong kumawala sa pagkakayakap niya, kalaunan naman ay nakawala ako kaya ayos na. Agad akong tumayo para mag-ayos at maghanda ng breakfast.

Wala sa sariling napatingin ako sa kawalan at tinanaw ang plantasyon ng mga bulaklak sa hindi kalayuan. Masaya ako kasi finally I'm back here, nandito na ulit ako sa San Alfonso. I'm home finally.

Pagkabalik ko sa bedroom namin ay nakahilata pa rin ang asawa ko. Gusto ko sanang yakapin ang malapad niyang likod pero pinigilan ko ang sarili ko, hindi pa kami bati kaya wag muna.

Bago ako umalis para magbihis ay binusog ko muna ang mata ko sa mga tanawin na nasa harap ko. He's indeed mascular at may biceps din siya, his veins are really attractive. Dati pa naman talaga siya gwapo sa paningin ko. Wala naman akong nakitang pangit sa simula pa lang.

Suminghap ako at dumiretso na muna sa closet para magbihis. Sinout ko ang napili kong black sports bra, kinuha ko rin ang maong shorts ko at pinares na 'yon. I need to exercise kahit wala naman akong baby fats. I just love to.

At dahil hindi ako pwedeng lumabas ng ganito ay kumuha ako ng dress shirt sa closet at sinuot 'yon. May plano akong mangabayo ngayon papunta sa plantasyon, namiss ko din kasi eh. And besides I need to check our sugar plantation.

"Good morning po, Senorita!" bati ng mga tagapangalaga namin sa hacienda.

Ngumiti lang ako sa kanila at binati rin siya bago pumunta sa rancho na malayo pa dito. Akmang maglalakad na sana ako paalis ng mahagip ko ng tingin ang isang pamilyar na babae na may kalarong bata. I was stunned a bit ng makilala siya.

What did she doing here? May kailangan ba siya kay Vince? Did she go here para sa bata?

Hindi pa rin madaling tanggapin na may anak siya sa iba. Masakit pa rin sa akin 'yon dahil may ebidensya ang panloloko nila sa akin. Don't get me wrong, hindi ako galit sa bata. Siguro galit ako sa asawa ko pero I already forgive him.

"Hey there, Mishella!" masiglang bati ni Jen sa akin. "Good morning!"

Hindi ko magawang ngumiti sa kanya pero pinipilit kong tumango at maging pormal na makitungo sa kanya. I don't want to be rude, after all ay ina pa rin siya ng anak ni Vince.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko, kakalasin ko na sana 'yon ng mahigpit niyang hinawakan ang pulsuhan ko. Kumunot ang noo ko sa kanya habang siya ay nanatili lang na seryoso ang kanyang mukha.

"Pwede ba tayong mag-usap?" pormal niyang tanong.

"We are talking, Jen." mahinahon kong sambit. "What now?"

"About sa nangyari before." she smiled worriedly. "Please hear me out."

"Speak then." malumanay na sambit ko. "Makikinig ako."

"The day that I cheated to my boyfriend before is true. At sobrang tanga ko para saktan siya at saktan ka." panimula niya bago suminghap. "Mahal na mahal niya ako, Mishy. He loves me to the point na he's willing to forgive me sa panloloko ko sa kanya. I saw his eyes where full of love na ni minsan ay hindi niya pinaramdam at pinakita sa'yo dahil hindi ka niya magawang mahalin."

"Why are you telling this to me?" I asked her coldly.

"I cheated on him because I fell out of love and I fall inlove with his cousin Rius who is now my husband. Nawalan ako ng pagmamahal kay Vince dahil palagi siyang wala but believe me hindi siya nagkulang sa akin. Sadyang hindi lang ako nakuntento sa pinapakita niya at pagmamahal niya sa akin." pagpapatuloy niya. "And the engagement came at hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nagkusa na lang akong pumayag. Maybe it is because of guilt dahil niloko ko siya ng paulit-ulit kagaya ng ginawa niya sa'yo. I will accept your hate kasi inaamin ko na may pagkakamali din ako. At hindi ko inaasahan ang mangyayari when I found out na may nangyari sa inyo. I cried because I know that it was my karma. I realized na mahal ko siya."

Somewhere In San Alfonso (Manila Avenue Series #5)Where stories live. Discover now