31

640 7 3
                                    

31

"You need to go back to the Philippines for good."

I rolled my eyes when Lira said it infront of my face. Bakit niya ba ako pinipilit na umuwi ng Pilipinas? Hindi ba siya ang dapat na umuwi para kay Kierra? Bakit mukhang pursigido pa ata siyang paalisin ako dito?

"Excuse me?" I raised my brows. "Hindi ba ikaw dapat ang umuwi? Bakit naman ako ang papauwiin mo? Alam mo naman na nasa trauma stage pa ako eh."

"Hindi mo ba namiss ang mga anak mo?" untag niya dahilan para matigilan ako.

Suminghap ako at malungkot na tumingin sa kawalan. "Syempre namiss ko but I am not ready yet."

"Kailan ka maging ready kung ganoon?" umismid siya. "Ang sabihin mo, hindi ka pa rin nakakaahon sa asawa mo. Tama ako diba?"

Inirapan ko siya at hindi ko na siya pinansin, mas tinuon ko ang sarili ko sa ginagawa kong blueprint. Napag-isip ko din naman ang umuwi ng Pilipinas pero wala pa sa plano ko ang magpakita ulit doon. Kung saan ko tinapos ang lahat.

As usual ay wala na naman si Lira at abala siya kung saan siya umaalis. Naiiwan sa akin si Kierra kaya mas lalo kong nakikilala ang bata. Well lumaki naman siya sa amin kaya komportable na siya sa akin, hindi lang talaga siya palasalita kaya siya tahimik palagi at hindi ko nalalaman kung ano ang iniisip niya.

"Tita Mish? Sabi ni Mommy sa akin ay may plano ka daw umuwi sa Philippines?" kumislap ang mga mata ni Kierra. "Possible ba na makita ko si Daddy doon kapag sumama ako?"

Malungkot siyang tumunghay habang hawak ang manika niya. Nakatingin siya sa akin na tila gustong-gusto niyang umuwi na ng Pilipinas pero alam ko ang nagpapagulo sa isip niya. Ayaw niyang iwan ang Mommy niya dito mag-isa.

"Good morning, Sunshines!" matinis na sigaw ni Avi at niyakap kami. "Kamusta naman ang mga mahal ko?"

"Still kicking." nagkibit-balikat na lang ako. "Ayos naman kami so far."

"Geez. We are fine naman, Tita Avi." malaki ang ngiti ni Kierra. "Ikaw ba, Tita? I heard you will go back to the Philippines for good? Uhm, I guess you have plans to bring Tita Mishella back?"

"As if naman maiiwan ko ang isang ito, baby girl." humagikhik siya. "Naisip ko kasi, apat na taon na tayong nandito sa Barcelona e. Wala namang masama kung umuwi?"

"Well kung may uuwian edi go?" ngumisi ako. "Ang tanong naghintay ba? O may uuwian ka pa ba?"

Napatikhim siya sa sinabi ko. "H-Hindi naman ako umuwi dahil kay Sean! Langya ka!"

"Oh? Bakit ka nautal? And did I mention a name?" panghuhuli ko.

"Alam mo pareho lang tayo e. Naghintay ka rin naman kay Vince remember? Opps!" natawa siya. "Sorry, Mish!"

Ngumiwi ako. "Hindi naman ako umaasa na pag-uwi ko ay naghintay pa siya."

"Aminin mo nga? Namiss mo? Yiee!" asar pa niya. "Ikaw ha!"

Inirapan ko siya. "Hindi! Wala naman na akong pakialam pa doon! For sure may pamilya na siya doon."

Ngumuso siya ng mapansin na nawala na ako sa mood para makipag-usap. Inaamin ko hanggang ngayon ay naapektuhan pa rin ako sa mga nangyayari noon kahit matagal na 'yon. I always think of being with him before at hindi ko maipagkakaila na mayroon pa siyang puwang dito sa puso ko. Well hindi naman agad mawawala 'yon after all these years.

Kung pwede lang talaga na kalimutan ko na ang lahat ay baka ginawa ko na pero naisip ko na kapag nakalimutan ko siya, makakalimutan ko din 'yong lesson na natutunan ko. Don't give your wholeself when you love someone, learn to have your self love and preserve your self worth.

Somewhere In San Alfonso (Manila Avenue Series #5)Where stories live. Discover now