13

441 9 14
                                    

13

"Good afternoon po, Senorita!"

Matamlay akong ngumiti kay Manang Cheche ng sinalubong niya ako para kunin ang dalang gamit ko. Nandito kaya sila Mom at Mama? Hay, sana pala dumiretso na lang ako sa bahay namin.

"Nasaan po si Vince?" tanong ko kay Manang. "Nandito po ba siya?"

Sana wala siya dito para hindi kami magkita.

"Nandoon po sa opisina niya, Senorita." sagot naman ni Manang. "Nagkaproblema po kasi sa farming business e."

Tumango ako at ngumiti. "Thank you po."

Nagpaalam muna ako na pumunta sa kwarto ko, wala pa naman sila ni Mom kaya ayoko munang bumaba lalo na't nandito pala si Vince. So hindi pala siya nag-maynila? All along ay nandito lang siya at inaasikaso ang business niya? O baka naman may iba pa?

Nagpahinga muna ako saglit bago ko napagpasyahan ang mag-ayos at magbihis ng damit. I wear my usual attire when I am home, simpleng manipis na dress lang na tinabunan ng bathrobe. Wala na akong balak na kumilos ngayon o kahit mamasyal dahil masama talaga ang pakiramdam ko.

Hindi ko na napansin na gabi na pala, nag-aaral ako ng biglang may kumatok sa kwarto ko. I was about to open the door ng makaramdam na naman ako ng pagsusuka. Agad akong tumakbo papuntang restroom at nagduwal doon.

Naluha ako dahil sa pag-sakit ng tiyan ko, halos matumba ako ng sinubukan kong maglakad kaya umupo muna ako. Shit! Nahihilo at nagduduwal pa din ako. Kailangan ko na sigurong pumunta sa hospital.

Suminghap ako at inayos ang sarili bago tumayo ng hindi ko na maramdaman ang pagkahilo. Napagpasyahan kong lumabas ng pakaramdam ng pagkagutom.

"Mishy! You're home!" sinalubong ako ni Mom ng halik. "Come, let's eat now."

Ngumiti ako kay Mom at Vince ng maabutan sila dito sa hapagkainan. I was about to say something ng matigilan ako dahil sa lalaking may dalang pagkain papalapit sa amin. Oh? Magkamukha sila ni Vince. Don't tell me...

"Hija! Meet my son! Kapatid ni Vince. He's Vinsyl." si Mom.

"Kaya kong magpakilala, Mom. Hindi naman ako PWD para hindi makapagsalita." sumimangot ito bago bumaling sa akin. "Hi, ganda! May jowa ka na ba? Pwede ba kitang asawahin?"

"She's my wife." a cold baritone voice coming from him made his brother stop. "Don't play with my fire."

"Ah, Kuya? Are you freaking serious? Remember when we are still high school? Sharing is caring bro." kumindat ito kay Vince.

"Ang babastos ng mga bunganga niyo." binatukan ni Mom si Vinsyl. "Kumain na nga lang tayo!"

Ngumiti lang ako ng tumabi na si Vinsyl sa akin, hindi kalayuan ang edad namin dahil mukhang dalawang taong agwat lang ang pagitan namin. He's too playful din at halatang playboy katulad ng kapatid niya.

Matapos naming kumain ay nagpresinta ako na maghugas ng pinggan para maiwasan si Vince, hindi ko pa kasi nakakalimutan ang huli naming pagtatalo. Ayoko din na mag-away kami ngayon dahil masama ang pakiramdam ko. Wala ako sa mood para kausapin siya.

"So you and my Kuya get married?"

Natigilan ako sa pag-aayos ng mga baso ng magsalita si Vinsyl na nakaupo na pala sa kitchen counter. May hawak siyang baso na may lamang gatas sabay inom nito at tingin sa akin.

"Oo, kasal kami." malungkot na sabi ko. "Sadly, we're not compatible enough."

Ngumuso naman siya. "Mukha nga, wala sa hitsura niyo na masaya kayo e. And besides, my brother is inlove with Jen since then. Kaya siguro siya galit sa'yo kasi pinilit mo siyang ikulong sa relasyon na ayaw naman niya."

Somewhere In San Alfonso (Manila Avenue Series #5)Where stories live. Discover now