30

662 6 1
                                    

30

Wala sa sarili akong napatingin sa kawalan habang nakatingin sa papalubog na araw mula dito sa terrace. Ininom ko ang wine at nagbalik tanaw ulit sa tinignan ko kanina.

I always do this kapag mag-isa ako, hindi ako nagsasawang tingnan ang kagandahan ng araw habang lumulubog ito sa dagat. The natural beauty of the sunset made my day.

Palagi kong iniisip kapag mag-isa ako kung maging masaya pa ba ako? I mean I want to make myself happy. Sino ba naman ang hindi diba? But still, nasa nakaraan pa rin ang puso ko.

"Hindi mo na naman ininom ang gamot." sambit ni Inah na kasama ko. "Inuna mo 'yan kaysa sa gamot mo para gumaling ka."

"Ayoko ng gumaling." malamig na pahayag ko.

"Alam mo, palagi mo 'yang sinasabi na ayaw mo na. Na sumuko ka na sa lahat at ayaw mo ng lumaban ulit." aniya. "Are you still into your ex-husband don't you?"

Napangiti ako kay Inah, siya ang asign sa akin na nurse at pilipino din siya kaya agad kaming nagkasundo. She's a psychology graduate kaya kahit magsinungaling ako ay nababasa niya kung ano ang mga iniisip ko. When I think suicide ay alam na niya agad.

"Hindi." tanggi ko.

"Liar." inirapan niya ako. "Stop your suicidal thinking, ako 'yong natatakot para sa'yo."

Napailing ako at bahagyang natawa sa natatakot na mukha niya. Sa ilang taon kong nanatili dito sa Spain ay ito lang 'yong natatandaan niya sa akin. Minsan na kasi akong dumaan sa stage na halos wakasan ko na ang buhay ko because of so much depression at mental breakdown. Hindi pa kasi ako nakakaahon magmula ng mawala si Asierra at hanggang ngayon ay coma pa rin si Ashell.

Imagine as a Mom na halos mabaliw ka na sa pag-iisip at pag-iyak dahil nawala sa'yo ang kambal na anak mo. And kung ako 'yong pag-iisipin ay baka hindi ko na kayanin at matulad na naman ako noon na hanggang ngayon ay nadadala ko pa rin.

"Ilang taon na ang nagdaan ah? Hindi mo pa rin ba siya pinapakawalan?" nag-aalalang tanong ni Inah.

Naupo ako sa hospital bed at ngumisi sa kanya bago nagkibit-balikat. Minsan ay gusto ko na siyang supalpalin dahil palagi niya akong kinukulong dito sa hospital. Goodness! Hindi ako baliw for pete's sake!

"Kung pakawalan mo na lang kaya ako?" tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi naman ako baliw ah? Bakit nandito ako sa hospital?"

"Hindi nga." sarkastikong aniya. "Mabuti nga hindi kita dinala sa Mental kahit may sapak 'yang utak mo e. Please be thankful na nandito ka para mabantayan kita at the same time ay mapagaling natin 'yang condition mo."

"Depressed ako at tsaka mental breakdown lang 'to." malungkot akong ngumiti. "Hanggang ngayon ay naalala ko pa rin ang mukha ng anak ko na nasa kabaong niya at ang anak kong si Ashell na naliligo sa sarili niyang dugo dahil sa aksidente..."

Napahawak ako sa ulo ko at tahimik na umiiyak. This is my trigger warning at kapag naalala ko ang lahat ng 'yon ay bumabalik sa akin lahat. Na kasalanan ko 'yong mga nangyayari.

Tinurukan na naman ako ng injection ni Inah para mapakalma ako dahil anytime ay baka magwala na naman ako. I am trying to fight this depression. Halos mawala na ako sa sarili dahil sa pag-iisip kung paano ako babangon ulit.

After I calm down ay pumasok sila Mama at Papa, niyakap nila ako ng mahigpit at hinalikan sa noo. Still may dextrose pa rin ako dahil hindi ako kumakain dahil wala na akong gana sa lahat.

"Hindi ka pa raw kumakain." marahan na sambit ni Mama. "May dala kaming pagkain, anak."

"Ayoko, Ma." umiling ako. "I'm full."

Somewhere In San Alfonso (Manila Avenue Series #5)Where stories live. Discover now