24

472 6 6
                                    

24

Agad akong lumapit sa doktor ng lumabas na ito mula sa ICU kung nasaan ang anak ko, hinawakan ni Vince ang kamay ko ng manginig ako dahil sa sobrang pag-iyak. Halos hindi na nga ako nakakatulog sa sobrang pag-aalala sa anak ko. I hope she will be fine.

"Ayos lang po ba ang anak ko, doc?" naiiyak na panimula ko.

Malungkot na ngumiti ang doktor sa akin bago siya tumingin sa akin at sa asawa ko. "Base on the findings, we find out that she have a leukemia."

Halos magunaw ang mundo ko sa sinabi ng doktor sa amin. She have a leukemia. In an early age, nagkasakit siya ng ganito. Hindi ko kaya 'to, hindi ko kakayanin ito.

"Gagaling naman po siya diba?" Vince was so hopeful. "My daughter will heal."

"There is, Mr. Alde. With the help of chemotheraphy." the doctor sighed sadly. "We undergo several test and examines and we just find out that Asierra was diagnosed of Acute Myeloid Leukemia, this is the rare type of cancer for children. It all started with unexplained signs and symptoms like on and off fever, bleeding out from the nose and gums, sudden weight loss and bruises all over her body. Alarmed by these, we get her tested and to our surprise we found out that her platelet dropped to 6 (Normal is 150-400) that means she could bleed to death if not treated immediately."

"My child will be okay right, doc? Is she need a platelet?" nanghihinang tanong ko.

"The patient needs two bags of plateletes, corticosderiod medications and never ending lab works, Misis." seryosong sambit ng doktor. "Gagawin namin ang lahat just to save your daughter."

"Please save her." nagmamakaawa na ako. "Hindi ko kakayanin kapag mawala sa akin ang anak ko."

Tumango ang doktor bago siya nagpaalam sa amin na may pupuntahan na munang pasyente sa kabila. Napakagat-labi ako para hindi ako tuluyang mapahikbi ng makita ko na siyang nilabas ng mga doktor at dinala na sa bagong kwarto niya. I saw her peaceful sleeping, namumutla na tila wala ng kulay ang buong mukha.

"Tell me, maging okay din ang anak natin." tuluyan na akong napahagulhol. "Magiging okay siya."

"Shh, tahan na." pumiyok din siya. "Our child will be fine."

"What happened to my twin, Ma? Papa?" naiiyak na tanong ni Ashell. "Magiging okay ang kambal ko diba? Mama?"

Lumuhod ako sa harap niya at niyakap siya ng mahigpit bago ako tumango at hinalikan ang noo niya, naramdaman ko din ang pagyakap sa amin ni Vince bago siya umalis para papuntahin sila Mama dito.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, sobrang naguguluhan na ako. Hindi ko na 'to kaya dahil sa bigat ng nararamdaman ko. When I was a kid, ganito din ako. Now I know that this is the feeling of being a mother. Sobrang natatakot si Mama na mawala ako sa kanila ni Papa noon.

And I am afraid too, hindi ko kayang maglibing ng sariling anak. Ayokong mangyari 'yon, baka hindi ko kayanin kung sakali na mangyari nga 'yon. Sana sa akin na lang ang lahat ng 'yon. Wag na sana sa anak ko.

"Mishy!"

Napalingon ako ng marinig ang pamilyar na boses sa hindi kalayuan. I saw Kio who's heading towards us. Hinalikan niya muna si Ashell sa buhok bago niya ako hinarap at nag-aalalang tumingin sa akin.

"Anong nangyari?" he asked worriedly. "Is baby Asierra okay?"

"Nilabas na siya kanina." humikbi ako. "Nanghihina pa rin siya."

"Asierra will be fine. Wag kang mag-alala." malungkot siyang napasinghap. "Everything will be fine."

"Sana nga." hindi pa rin ako matigil sa pag-iyak. "Natatakot ako sa posibleng mangyari sa anak ko."

Somewhere In San Alfonso (Manila Avenue Series #5)Where stories live. Discover now