Prologue | Pagtatago

37 8 0
                                    

Kobe

Naniniwala ba kayo sa Batibat? Matandang babae at mataba na hinihigop ang kaluluwa ng bawat taong binabangungot? Naniniwala ako sa bangungot, pero ang Batibat na sinasabi nila ay 'di ko kayang paniwalaan.

Noong kabataan ko, dese-syete anyos pa lang. Naparalisa ako sa pagtulog ng ilang linggo, siguro marami ang hindi kayang maniwala pero sino pa ba ang may alam sa nangyari kung hindi ako at ang nakakita sa nangyari sa akin. Ramdam niyo ba 'yong tipong rinig mo ang yapak ng mga tao sa paligid, ang boses ng nanay mo, ang iyak nila habang pinagmamasdan ako na nakapikit ang mata at 'di magawang maigalaw ang buong katawan.

Nanatili akong gano'n ng ilang linggo. Humingi ng tulong sila nanay sa albularyo at kahit sa mga babaylang kilala nila. Rinig ko silang nag-uusap. Pero kahit pari o doctor walang nagawa para bumalik ako sa rati. Humihinga pa naman daw ako kaya inalagaan na lang nila ako sa bahay kahit wala na akong kain. Hanggang sa isang araw halos mahimatay sa gulat ang lahat sa biglaang pagbalikwas ko sa aking higaan. Naigalaw ko ang buo kong katawan at ramdam pa rin ang pagkahamanhid nito at bigla akong hinimatay. Hindi ko rin maipaliwanag ang nangyari sa akin.

Ang sabi-sabi ng mga matatanda kagagawan daw ito ng isang Batibat.

"Isa silang mga kaluluwang naninirahan sa puno, apo. Himala na ang nagawa mo pang maigalaw ang katawan mo kumpara sa iba na 'di na kinaya at namatay.."

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. "Ano bang hitsura nila la?"

"Ang kuwento ng iba, mataba raw at matandang babae..."

Kahit ang mga magulang at kapatid ko hindi rin naniniwala sa batibat. Naniniwala sila sa sinabi nang doctor na pansamantala raw akong naparalisa dahil sa mga ugat na naipit sa katawan ko. Pero nagawa ko pang mabuhay ng isang linggo? Ang 'di ko maipaliwanag.

"Pero ang sabi ng mga sinaunang tao, isa raw itong malungkot at magandang nilalang. Nakahubo't-hubad ito at nakakatakot man ang hitsura niya pero kung pakikitigan mo siyang mabuti napakahirap din ng dinadaanan nila. Wala pang biktima na nakakita sa tunay niyang anyo ang nakaligtas kaya kong nakita mo man siya sa panaginip mo at buhay ka pa maaari ka niyang sundan at buntutan."

"Bakit naman la?"

"Ang sabi may espesyal ka raw'ng taglay na gusto nilang makuha kaya sila bumubuntot sa taong iyon."

Hindi ko malilimutan ang pag-uusap namin ni lola matapos akong gumaling. Pagkatapos kasi nang mahimatay ako dinala agad nila ako sa hospital at humina rin ang katawan ko ilang araw pero bumalik din naman sa sigla.

"Kaunti lamang ang naniniwalang mababait sila."

"Pero kayo ba la? Ano ang sa tingin ninyo?" tiningnan ako ni lola na may ngiti sa labi.

"Para sa akin, apo. Mababait sila, hindi nga lang nila laging nasisilayan ang kabutihan sa mundo kaya nababalutan sila ng dilim."

Hindi na nagtagal si lola sa mundo. Iyon na 'ata ang huling malalim na pag-uusap naming dalawa hanggang sa tuluyang nanghina ang katawan niya at hindi na huminga pa. Iyong patungkol sa nangyari sa akin? Mananatili na lamang iyong misteryo.

"Thank you for calling EIC company. Have a great day!"

Natapos rin ang shift ko alas dyes na ng gabi. Sakit ng buong katawan ko dahil sa kakaupo at kakaharap sa computer. Dalawang taon na rin ang akong full time worker ng isang BPO company dito sa Cebu. At dalawang taon na rin akong naninirahang mag-isa sa syudad ng Cebu. Kailangan ko rin ng pera para ipadala sa probinsya lalo na at nag-aaral sa kolehiyo ang bunso kong kapatid na babae.

Alone in your dreams (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon