Chapter 12 | Dilim

4 4 0
                                    

Kobe

"Kobe, Ara. Pwede niyo bang ipakiusap na magparefill tayo ng tubig? Paubos na kasi."

Sinunod namin ang utos ni Sir Koko at tumayo na. Nagdala kasi talaga kami ng sariling galloon ng tubig para irefill na lang din. Paubos na rin kasi. Napatingin ako kay Ara na diretso lang ng lakad at mukhang nilalamig. Tinanggal ko ang jacket ko at ibinigay iyon sa kanya.

"Isuot mo." nahihiyang tinanggap niya ang jacket.

"About the last time. Ayokong sirain sana ang pagkakaibigan natin. And I actually like someone else."

Nahihiyang napasulyap siya sa akin at yumuko lang. Namayani ang pansamantalang katahimikan sa pagitan namin. Nakarating na kami sa loob ng resort at pinakiusapan na namin sila tungkol sa refill. Pumayag rin naman sila at ihahatid nila ito sa room namin.

"Salamat po!"

Bumalik na rin kami sa cottage at mukha kasing uulan na at malamig na rin ang hangin. "Is that Mel?"

Ng pabalik kami nakasalubong namin si Mel na naglalakad mag-isa. Huminto kami sa harap niya at ngumiti.

"Mel? Hindi ka pa ba babalik? Hindi kaba nilalamig?" napasulyap siya sa akin at bumaling rin ang tingin kay Ara. "Matigas ang katawan ko, Ara. Magpapahangin lang ako susunod rin ako."

"Wag kang magtagal, gabi na rin." ngumiti lang siya at nilagpasan kami.

Napalingon ako kay Mel at diretso lang ang lakad nito. "Kobe?"

Bumalik na rin kami sa cottage at sinabi kay Sir Koko na pumayag rin naman ang resort. Napansin naming umiilaw na sa kidlat ang langit at mukhang bubuhos ngayon ang malakas na ulan.

"Balik na tayo sa room, mukhang uulan nga."

"Wait? Si Mel?"

"Nakasalubong namin kanina, magpapahangin lang daw."

"E? Gabi na baka mapano yon."

"I'll find her. Mauna na kayo."

"Samahan kana namin." hinarap ko sila. "Ayos lang ako, mauna na kayo."

Tumakbo ako palabas ng cottage at hinanap si Mel. Bumuhos na nga ang malakas na ulan at basang-basa na ang katawan ko. Nanlalabo na rin ang paningin ko dahil sa ulan at sa dilim. Hinanap ko siya sa buong beach pero wala na akong taong nakikita. Kahit nilalamig ako ay patuloy ako sa paghahanap kay Mel.

"Mel?!" sigaw ko sa kawalan at hinihintay na mayroong sumagot.

"Mel?"

Lumalakas na lalo ang ulan at pati ang pagkulog. Nilalamig na rin ang katawan ko. Napahinto ako at napatingin sa dagat. Nilibot ko ang paningin ko ng dumako ito sa isang katawang lumulutang. Sa kaba ay dali-dali akong tumakbo sa dagat.

"Mel?" kahit na malakas ang alon ng tubig sinubukan kong lumangoy palapit sa kanya pero tinantagay ako ng alon at lumulubog ako.

Humampas sa katawan ko ang malakas na alon kaya hindi ko nabalanse ang katawan ko at lumubog ang katawan ko. Nahihirapan akong lumangoy lalo na't ang lakas ng alon at madilim rin. Sinubukan kong umahon pero nahihirapan ang katawan ko hanggang sa unti-unti akong nawawalan ng lakas. Bago pa ako tuluyang mawalan ng malay ramdam ko ang paghawak niya sa braso ko.

Nagising akong hinahabol ang hininga ko at naubo. Napatingin ako sa babaeng nakahiga sa dibdib ko at nakayakap sa akin. Ramdam ko ang init ng tubig sa tiyan ko, umiiyak ba siya?

"Mel?" tawag ko sa kanya. Wala pa ring tigil ang ulan.

Itinaas ko ang kanang kamay ko at hinawakan siya sa likod saka lang siya bumangon at hinarap ako.

Alone in your dreams (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon