Chapter 7 | Nahuhulog Na Nga Ba?

7 4 0
                                    


Ng marinig ko ang mga yapak ng mga tao na papalapit ay mabilis kong itinulak ang upuan ko palayo sa tukso. Napakurap-kurap ako saka ko naisipang tumayo. Diretso akong naglakad patungo sa kung saan makakahinga ako ng maluwag. Napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil wala pa rin itong tigil sa paghiyaw. Am I in love? No way! Bakit kailangang sa isang nilalang na kagaya pa niya?

Nakarating ako sa banyo at napatingin sa salamin. "Wake up, Kobe!"

Hinilamusan ko ang mukha ko nang paulit-ulit para mahimasmasan ako. Ang akala ko matitigil na ang kalbaryong nangyayari sa puso ko ay hindi pa pala. This is crazy! I am crazy! Napailing ako nang paulit-ulit para kumbinsihin ang sariling takot lang 'to hindi pagmamahal. Parang ayaw ko ng bumalik pa sa trabaho lalo na't palagi kong makakaharap ang babaeng iyon.

Pagkabalik ko sa office ginawa ko ang lahat para maiwasan siya at ang mga titig niya. Mali itong nararamdaman ko. Siguro dala lang ito ng awa. Pagkadating sa bahay sinusundan parin niya ako at nababagabag ang sistema ko dahil sa presensya niya.

"Sa unit mo ako matutulo-"

"Hindi!" bago paman siya makapasok sa pintuan ko isinarado ko na ito.

Bahala siya kung papatay siya o hindi. Buhay niya iyan at buhay ko rin 'to. Ayoko namang masira ang utak ko dahil lang sa kanya. Diretso na ako nang tulog at hindi na naligo pa.

"May problema ka ba? Bakit ka nagbago?" nakapout siya habang kumukurap sa harap ko. Hanggang kailan ba siya titigil kakasunod sa akin?

"Hanggang dito ba naman?"

"Kahit hanggang sa magpakailanman. Saka sa panaginip mo lang nakikita ang maganda kong katawan."

Umikot pa siya para ipagmalaki ang katawan niya. Nahihibang na ako hindi ko na kaya! Angsakit na sa mata ang pagmumukha niya at ang sakit sa tenga ang mga boses niya.

"Y*WA!!!" nagising akong nahighblood dahil sa panaginip ko. Napasabunot ako sa buhok ko.

Napahilamos ako sa sarili ko gamit ang kamay. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig at nagmumog. Tulala ako ng biglang manlumo ang mga tuhod ko dahil sa problema. Paano ko ba mawawala sa landas ko ang babaeng iyon? Hindi na ako muling natulog dahil din sa takot na baka mapraning pa ako.

Antok akong lumabas ng unit at nagdadasal na sana di ko siya makasalubong sa araw na ito pero bigong-bigo ako. Para akong binagsakan ng langit dahil sa sumalubong sa umaga ko. Haggard akong humarap sa kanya habang siya ngiting-ngiti at wala man lang problema sa tulog.

"Haggard pero hawt!" nagrawr pa ito sa harap ko at parang ang saya-saya pa niyang ginugulo ako. Sige siya na ang masaya ako na ang walang tulog.

Di ko na siya tinaboy nang pumasok siya ng kusa sa sasakyan ko. Walang lakas kong minaneho ang sasakyan at napapahikab pa. Hindi naman magiging halata sa iba kong kasamahan ang haggard kong mukha dahil wala naman talagang tulog ang trabahong 'to. Lalo na kapag laging may bangungot na bumubuntot sa akin. Kapag napapasulyap ako sa mukha niya nasisira ang mukha ko. Maganda sana siya pero bakit habang tumatagal lalong nagiging bangungot sa akin ang pagmumukha niya.

"Ayos ka lang ba talaga? Para kasing sirang-sira ang tulog mo. Binangungot kaba? Hindi ko naman ata naalalang dumalaw ng isang panaginip kagabi."

Napasulyap ako sa kanya at di naniniwalaa sa pinagsasabi niya. Paanong wala? Pinagloloko ba niya ako?

"Your eyes says you really dream about me! Gano'n na ba talaga ako kanightmare? At saka pinapanaginipan mo ako? Woi! Ano yan?" nagawa pa niya akong tuksuin habang nagmamaneho. Di ko siya pinansin dahil baka mas lalo lang akong sumabog.

Alone in your dreams (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon