5 years after......
"Go Colen!" hiyaw ko habang pinapanood si Coen na nakipagkarera sa isport na track and field.
Colen is 8 years old already. Colen is big now and strong. He even competes to this kind of sports. Kahit sa acads he even he competes. Kaya naman proud ako sa kanya. Proud akong ipinanganak ko siya. Mana ata sa akin sa talino. Pero mas mana ang kagwapuhan sa ama.
Nagtatalon kami ni mama when Colen reached the finish line. Naghiwayan ang buong tao sa paligid at walang tatalo sa hiyaw namin ni mama.
Sabik kaming dalawang bumaba para salubungin si Colen. Nakangiting lumapit siya sa amin at sinalubong ko siya nang mahigpit na yakap at matamis na halik. Itinaas pa niya ang medal niya at tuwang-tuwa.
"Ang galing ng apo ah!"
"Lola!" lumapit din siya kay mama para yumakap at humalik.
"Halika nga dito, nak. Pawis e." humiwalay muna siya kay lola niya at lumapit sa akin.
Pinunasan ko ang noo niya at pati na rin sa likod niya. Binihisan ko na rin siya pagkatapos naming makapagpicture².
Di nga mabura-bura ang ngiti sa mga labi ni Colen. Isa ito sa pangarap niya. Ang maging champion at makuha ang gold medal. At andito kami ni mama at ang tita Kyla niya para suportahan siya sa kahit anong gusto niyang tahakin.
"Masaya kaba Colen?" tanong ng kanyang lola habang kumakain.
Nandito kami sa isang restaurant para icelebrate ang pagkapanalo ni Colen. Bumili rin kami ng cake para sa kanya na ikinatuwa pa niya.
"Oo naman lola!" ginulo ko ang buhok niya. Malaki na talaga siya. Hindi na siya ang batang kinakarga pa para makatulog.
Ang bilis niya lumaki. One thing I learned from being a human. The longer you live, the weaker your body become. Ramdam ko na rin ang panghina ko physically. Hindi na ako malakas gaya ng dati. Ngayon kailangan ko na ring mag-ingat sa kinakain ko.
Pero nasanay na rin ako. Masaya kahit humihina kana. Kasi kasama mo naman ang pamilya mo. Nagmamahalan kayo ng buong-buo. Lalo na at nasa tabi ko lang si Colen. I got scared before na baka hindi ako maging malapit kay Colen knowing si mama ang laging nagbabantay sa kanya. Binantayan naman kasi siya ng maayos ni mama na ikinapasalamat ko.
Pagkarating sa bahay ay nakipagvideo call kami kay tita Kyla niya na nasa Spain. Kung saan-saang lugar na nakakarating si Kyla. Proud na proud kami sa kanya. Malapit na rin kasi ang death anniversary ng kuya niya kaya babalik na rin siya dito sa pinas. Di tuloy makapaghintay ang pamangkin niya.
"Anything you want, Colen?"
"No tita! Uwi kana para magkasama na tayo." napangiti si Kyla sa kabila at tuwang-tuwa sa sagot ni Colen.
"You're grown na talaga Colen. Malapit na naman akong umuwi. Basta wag kang magkukulit kina mama at lola mo."
Nagthumbs-up si Colen kay tita niya. "Yes, tita. Good boy ako."
Nagkwentuhan pa silang dalawa at nakisama rin kami. Natapos rin ang mahabang usapan nila ng tita niya. Nagpaalam na rin sa amin si Kyla dahil magpapahinga na ito. Si Colen naman ay nakatulog na dahil sa pagod.
Kinumutan ko siya at hinaplos ang buhok niya. Lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa kusina kung saan nandoon si mama nagkakape.
"Magpahinga na kayo, ma."
"Nakuh! Ayos lang. Hindi pa ako inaantok." naupo ako sa tabi niya.
"Hindi kaba nalulungkot?"
Tinignan ko si mama at napangiti ako sa tanong niya. Napayuko ako habang nag-iisip. Ano bang dapat na ikalungkot ko?
BINABASA MO ANG
Alone in your dreams (COMPLETED)
RomanceHindi ordinaryong tao si Mellan Luna, isa siyang Batibat na matagal nang hinahanap ang katapusan niya. Sa isang panaginip ng binatang si Kobe ay sila ay nagkita. At ang pagtagpo nila ay magiging umpisa nang kalbaryo ng buhay nila. Date Published: Ju...