Chapter 9 | Kirot

6 4 0
                                    

Melan

"Break muna kayo saglit guys while we are checking technical errors." napayuko ako at namimilipit sa sakit. Nilapitan ako ni Lulu at inakbayan.

"Ayown! Mel! May chikkaber ako sayo!"

Panay ako takip sa mukha ko gamit ang buhok ko at si Lulu naman puro ito daldal na hindi ko rin naiintindihan hanggang sa makarating kami sa loob ng locker room. Dumiretso ako sa gilid at napahawak sa locker. Rinig ko ang pagsara ng locker room at hinarap ako ni Lulu ni hindi man lang natakot sa mga kamay kong naging itim na.

"Alam mo?"

"Of course sis!" nakangiti siya at hinarap ako. Itinaas niya ang ulo ko at inayos ang buhok ko.

Sinuri niya lahat ng sugat ko at marka sa mukha niya ang pag-aalala. Napailing siya ng hinarap ako.

"Kailan pa 'to?"

"Last week." mahinang sagot ko habang dahan-dahang naupo sa sahig. Umupo rin si Lulu. "Bakit mo 'to ginagawa? This will not kill you Mel. Papahirapan ka lang ng sugat mo."

Umiling ako at hinarap siya na maraming tanong. "Paano mo nalaman?"

Napapatingin siya sa pintuan at tinitigan ako. "Gaya mo rin ako naging tao nga lang."

Napakunot ang noo ko at mas lalong dumami pa ang mga katanungan sa isip ko.

"Papaano?"

"Sis! Hindi yan mahalaga ngayon ang importante ay magpalakas ka. Kakailanganin mo yan."

"Di ko na kayang kumuha ng kaluluwa, Lu." napailing na lang siya. "Pero yan ang dapat na ginagawa mo para lumakas ka. Kung ipagpapatuloy mo 'to manghihina ka lang. Hanggang sa di ka na makagalaw hanggang sa di ka na makapunta sa mga panaginip. At patuloy kang maghihirap."

Tama siya. Isa rin kasi ito sa parusa kung ayaw naming kumuha ng kaluluwa. Kailangan namin ng lakas at mabuhay. Kung hindi ay palagi kaming magiging ganito, habang-buhay na magdudusa sa sakit.

"Kung mas lalo mong pipigilan ang uhaw mo Mel. Mas lalo kang mahihirapan makapasok sa panaginip."

Sa tuwing nakakaharap ko si Kobe. Nagkakaroon ako ng rason para itigil ang mga ginagawa ko. Kapag masaya siya sa nagawa ko, masaya rin ako. Sapat lang naman sa akin ang ngiti niya at itong hirap ko wala ito sa hirap ng pamilya ng mga taong pinaslang ko sa panaginip. Kulang pa lahat ng sakit na ito para pasanin ang pangungulila nila.

--

"Sana ganito ka tahimik ang mundo.."

"Walang ganoon. Kasi nahahati talaga lahat."

"May maingay at may tahimik. May liwanag at meron ding dilim. Kung hindi hinahati ang isang bagay hindi magiging balanse ang mundo."

"Kung puro tahimik lang pansinin mo ang isang bahay. Tahimik, walang problema, walang ingay, in short walang saya, walang kiliti, at higit sa lahat hindi natututo ang tao dahil perpekto na sila."

"Kaya andyan talaga ang ingay para paligayahin ang tahimik na buhay ng isang tao. Andyan ang dilim para bigyan naman ng espasyo ang liwanag para makapagpahinga."

"Kahit sa panaginip hindi perpekto ang mundo. May bangungot at may ligaya."

"Kung sino man ang naglikha sa atin. Matalino siya. Nasa nilalang na lang kung papaano niya imamaneho ang kanyang buhay."

"Gaano ka na ba katagal sa mundong ito?"

"Libong taon. Libong taon para masaksihan ang bangungot ng tao at para masaksihan ang paghihirap ng tao."

Alone in your dreams (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon