Chapter 14 | Love is not for us

5 4 0
                                    

Lulu

Napatingin ako sa madilim na kalangitan. Umihip mula sa aking bintana ang napakalamig at kakaibang hangin. Isinarado ko na ang bintana ko at nahiga sa kama.

Sa ganitong panahon mas lumalakas ang kadiliman. Nag-aalala ako para kay Mel, humihina na siya at natitiyak kong pinipigilan na naman niyang kumuha ng lakas sa kaluluwa ng tao. Naalala ko bigla ang ganitong pangyayari ilang taon na ang nakalipas.

Binalot ng dilim ang buong paligid at maraming binabangungot na hindi na nagising. Maraming namatay at sa panahon na iyon ko nakita ang imahe ni Drey. Parati ko siyang dinadalaw sa panaginip niya at hindi ko aakalaing mahuhulog ako sa kanya kahit na sa panaginip ko lang siya nakita. Hindi ko inakalang mananaginip si Drey na ikakasal kami. Nang halikan niya ang mga labi ko naramdaman ko ang init ng totoong pagmamahal hanggang sa nagising ako sa isang gubat na walang saplot. Doon ko nalamang naging tao na ako. Una kong ginawa ay hinanap si Drey pero hindi ako nagwawagi sa mga plano ko.

Hindi ko aakalaing makikita ko siya sa trabaho pero masaklap dahil hindi niya man lang naaalala ang pagmumukha ko. Siguro inakala niyang babae ako sa panaginip niya na hindi naman pala.

Dumaan ang umaga naging itim ang ulap ng kalangitan. Nakaramdam ako ng kakaibang bagay na di ko matukoy. Nag-aalala din ako kay Mel. Dumating ako sa trabaho at wala akong nakitang Mel. Sinalubong pa ako ni Drey na agad naman akong nag-iwas ng tingin. Nahihiya pa rin ako sa nangyari noong nasa bakasayon kami. Ayoko munang pag-usapan yon. No no.

"May bagyo ba? Kakaiba kasi ngayon ang ulap, saka ang dilim rin." kahit ang aga ay binabalot kami ng dilim. Kinakalibutan ako at ang mga kasama ko rin dahil sa aroma ng panahon ngayon.

Wala si Ara dahil leave at wala rin si Mel na ipinag-aalala ko. "Nagleave din ba si Mel?"

"Ah, oo sir. Di niya ba nasabi? Gagamitin niya muna daw ang leave niya dahil may gagawin ito." pagpapaliwanag ko kay Sir Koko kahit wala naman akong balitang natanggap mula kay Mel. Bumalik na ako sa upuan ko.

"Hindi mo sinagot ang text ko, iniiwasan mo ba ako?" nabigla ako sa presensya ni Drey na lumitaw bigla sa gilid ko. Mapapatalon ng wala sa oras ang in lab kong puso.

"Nanggugulat? Saka wala akong load. Loadan mo muna sim ko."

Hindi ko na siya pinansin pero inakbayan niya ako at bumalik na rin sa pwesto niya. Wag ka namang nangtutukso Drey, babae lang din ako. Mahihina ang tuhod at bumibigay baka kapag pinagpapatuloy mo yan ibigay ko na talaga lahat. Ang bataan.

Binalita na naman sa TV ang patungkol sa panahon ngayon na baka may dadating na bagyo. Kahit ang news ay hindi sigurado. Ibinalita rin ang maraming namatay sa loob ng isang bus. Gulat na gulat kami lahat dahil sa di inaasahang balita.

"Ayun sa nakuhang cctv footage. Sabay dawng nawalan ng malay ang mga tao sa loob ng bus. Napansin ng driver na wala ng bumaba kapag humihinto siya sa hintuan ng bus at kahit ang konduktor niya ay nakatulog din. Dahil sa pag-alala ichineck ng bus driver ang mga pasahero niyang lahat ay nakahiga. Ang akala niya tuloy ang mga ito pero ng tignan niya ang mga pulso nila ay hindi humihinga. Naturang anim na pu't pito ang namatay sa engkwentro sa ngayon inaalam pa ng SOCO ang pangyayari."

Bigla kong naalala ang binasa kong libro patungkol sa mga batibat. Nang bigyan kami ng break ay dumiretso ako sa locker ko para tignan ang librong iyon. Hinanap ko ang parehong pangyayari at nahinto ako sa isang talata.

Nakatulog ng sabay-sabay ang mga estudyante sa isang library. Sinisita ng librarian ang mga bata at ginising pero napansin na lang niyang hindi na humihinga ang mga bata. Sa tuwing sumasapit ang tatlong araw ng bangungot. Pinapaligiran ng dilim ang buong mundo at nag-uumpisang nakawin ang mga kaluluwa ng tao.

Alone in your dreams (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon