"Gaya rin nating tao, may bangis at kabutihan tayong tinatago. Ganoon din sila.."
Lahat ng mga salitang ibinahagi sa akin ni lola ay hindi ko magawang makalimutan. Isa iyon sa mga ala-alaang dinadala ko sa bawat hakbang ko sa yugto ng aking buhay. Malayo man siya ngayon nakakasama ko naman siya sa isipan at panaginip ko.
Naupo ako sa kama habang ramdam ko ang mga butong tumutunog sa buong katawan ko. Inestretch ko ang aking leeg at diretsong napahiga sa aking kama.
Habang blanko kong tinititigan ang bobong bumalik sa isipan ko ang pag-uusap namin ng babae kanina.
"You remember right?" tuwang-tuwa itong hinihintay ang magiging sagot ko. Tinitigan ko lang siya ilang saglit bago ko siya tinalikuran. "Hindi ko alam kung ano ang trick mo miss, matulog ka na lang."
Malabong siya iyon. Binuksan ko na ang sasakyan ko at muli na naman niya akong pinigilan. Nagpigil ako ng inis at muli siyang hinarap at heto na naman ang kanyang nanlolokong ngiti.
"I'll sleep with you, goodnight. Dadalawin kita sa panaginip mo!" kumindat siya sa akin at ngiting-ngiting tinalikuran ako. Napailing na lang ako, mali ata ang nahire ng team leader namin mukhang takas ata sa mental.
Hindi ko alam pero binabagabag ako ng mga salita niyang dadalawin niya ako sa panaginip. Parang ayoko na tuloy matulog. Bumalikwas ako ng tulog at dumiretso sa banyo. Pagkaapak ko sa sahig ng banyo ay hinubad ko na ang buong saplot ng katawan ko at dumiretso sa shower.
Hinayaan kong pumatak mula sa balat ko ang agos ng tubig habang nakapikit ang mga mata. Ramdam ko ang magiliw na sensasyon na umaagos sa balat ko. Habang nakapikit ang mga mata ko may nasisilayan akong nakakatakot na babaeng palapit sa akin. Malapad ang kanyang ngiti at unti-unting inabot ang kanyang kamay para sana'y hawakan ako. Ang mga ngiti niya ay katakot-takot gaya ng ngiti ng isang lumang manika.
"I'll be your favorite nightmare, Kobe.."
Napaatras ako ng subukan niyang abutin ang pisngi ko. Dumulas ang mga paa ko dahil sa gulat at isang magaspang na ingay ang bumalot sa loob ng banyo. Malutong na bumagsak ang aking pwetan sa sahig. Saka lang ako nahimasmasan sa saglit na pagtulog, muntikan pang mabagok ang aking ulo mabuti na lang at malayo ako sa dingding.
Tumibok ng mabilisan ang dibdib ko dahil sa kaba. Dahil na rin sa pagod di ko namalayang nakatulog ako saglit. Pinatuyo ko na ang sarili ko at lumabas ng banyo ng nakahubad. Dumiretso ako ng higa sa kama at binalot ng kumot ang buo kong katawan. Komportable akong nakakatulog kapag walang saplot ang katawan ko, hindi mainit, ramdam mo lang ang lambot ng kumot na yumayakap sayo.
Naaninag ko ang isang dilag sa may bintana, nakatalikod siya habang walang saplot ang buong katawan, nanatili akong nakahiga sa kama ramdam ang lamig ng aircon. Wala ng kumot sa tabi ko at kita na ang nakahubad kong katawan habang nakahigang pinagmamasdan siyang dahan-dahang humarap. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Nasilayan ko ang ngiti niyang nagbigay na ng marka sa isip ko. Bumagsak ang mahabang kulot na buhok niya na sumasayaw sa haplos ng hanging naggaling mula sa labas ng bintana.
"Nagising ba kita?"
Unti-unting bumukas ang bibig niya at ngayon kita ko ang mapuputi at maganda niyang ngipin habang nakatingin sa ibaba.. Nalunok ko ang aking laway at mabilis na hinanap ang kumot na di ko namalayang hawak niya. Pareho kaming hubo't-hubad sa madilim at malamig na gabi.
Kakaiba ang haplos ng hangin sa mga balat ko, pinapatayo nito ang aking mga balahibo, napaatras na lang ako sa aking kama at tinakpan ang pag-aari ko.
"How did you get in?"
![](https://img.wattpad.com/cover/273412859-288-k918553.jpg)
BINABASA MO ANG
Alone in your dreams (COMPLETED)
RomansaHindi ordinaryong tao si Mellan Luna, isa siyang Batibat na matagal nang hinahanap ang katapusan niya. Sa isang panaginip ng binatang si Kobe ay sila ay nagkita. At ang pagtagpo nila ay magiging umpisa nang kalbaryo ng buhay nila. Date Published: Ju...