Chapter 10 | Kabog

6 4 0
                                    

(Try playing the music while reading. Have a nice day!)

Melan

"Cheers to our new day!" itinaas namin ang aming wine glass at ipinaglapat ito na naglilikha ng ingay.

Nakangiti silang lahat dahil sa dami ng nangyari kanina. May videoke na ring nakaset-up sa cottage at tumungtong sa entablado si Lulu at kumanta.

Crazy for you by MYMP

Nagpapalakpak na kami bago paman siya nag-umpisang kumanta. Habang mag-isa akong nakaupo sa upuan na gawa sa kahoy ay napasulyap ako kay Kobe na biglang nag-iwas sa akin ng tingin. Nakakainis. Anong problema niya?

~Swaying room as the music starts
Strangers making the most of the dark
Two by two their bodies become one ~

Nag-umpisa ng kantahin ni Lulu ang lyrics ng kanta at habang kumakanta siya taimtim ko lang na tinititigan si Kobe at nakasandal sa back rest ng upuan. Nakacross legs ako habang hawak-hawak ang wine glass sa kanang kamay ko.

~I see you through the smokey air
Can't you feel the weight of my stare
You're so close but still a world away
What I'm dying to say, is that~

Nagtawanan silang dalawa ni Ara na parang may pinag-uusapan. Ako itong pinapanood lang sila. Does your heart really belongs to someone else? Hindi ba pwedeng ako? O siya lang talaga? Mas matagal kayong magkakilala kesa sa akin. Mas marami kayong pinagsamahan kesa sa akin. At saka isa pa, sino ba naman ako? Hindi naman ako tao.

~I'm crazy for you
Touch me once and you'll know it's true
I never wanted anyone like this
It's all brand new, you'll feel it in my kiss
I'm crazy for you, crazy for you~

Hindi ko pa naramdaman magmahal noon, pero ano pa ang paliwanag sa nararamdaman kong ito? Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung bakit kapag nakatingin silang dalawa ay kumikirot ang puso ko, na kapag nakangiti siya sa akin sumasaya ang puso ko, at kapag magkasama kami masaya ako. Ito na nga ba talaga ang pag-ibig na sinasabi nila? Pero pag-ibig na hindi dapat para sa isang kagaya ko. Siguro nga baliw na ako sa kanya.

~Trying hard to control my heart
I walk over to where you are
Eye to eye we need no words at all~

Nanatili akong nakatitig sa mga mata niya ng tumingin din siya sa akin. Nagkatitigan lang kami ng ilang segundo pero naputol din iyon dahil tumayo si Ara at sumunod siya. Syet! Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kirot na di ko maintindihan.

~Slowly now we begin to move
Every breath I'm deeper into you
Soon we two are standing still in time
If you read my mind, you'll see~

Nakahawak lang ako sa dibdib ko hanggang sa tuluyan na silang nakalayo sa cottage.

~I'm crazy for you
Touch me once and you'll know it's true
I never wanted anyone like this
It's all brand new, you'll feel it in my kiss
I'm crazy for you, crazy for you

It's all brand new, I'm crazy for you
And you know it's true
I'm crazy, crazy for you~

Huminto na ang tugtog at napalitan na ito ng ibang kanta. Di ko napansing nakalapit na pala sa harap ko si Lulu.

"Do you want to have a walk too?" inabot niya ang kamay niya sa akin na ikinalambot ng puso ko. Tinanggap ko ang alok niya at nilisan namin ang cottage.

Alone in your dreams (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon