Mel
"Cynthia nagawa muna ba 'yong pinagawa ko sayo?" andito ako ngayon sa office habang inaasikaso ang pagdating dito ng vip customer na nanggaling pa sa ibang bansa.
"Yes maam. Actually pinaset ko na ng maayos ang rooms at handa na rin ang mga gamit don." tumango ako at inayos na ang mga papeles na ansa mesa ko. "Sige. Mamaya iorient mo ang mga bellboy, mga housekeepers sa maaaring mangyari. Ayokong masira ang first impression ko sa unang vip customer natin."
Tumango siya sa akin at iniwan na akong mag-isa sa office ko. Ang sakit na rin ng batok ko dahil sa pagod. Ilang araw na rin ang lumipas simula noong umalis si Lulu at wala pa akong naririnig na balita mula sa kanya. Nag-aalala tuloy ako kung maayos ba ang pagdating niya doon o maayos ba ang trato sa kanya ng mga tao.
Isinandal ko ang likod ko sa backrest ng upuan ko at minasahe ang batok ko. Ilang araw din akong puyat dahil andami pang dapat ayusin sa hotel ko lalo na at bago lang din ito. Andami ko ring librong binabasa at mga laws tungkol sa pinasok ko. Hindi ko alam na ganito pala kahirap at kadami ang dapat alamin sa isang malaking negosyo.
"Kumusta si Coen ma?" hindi ko na rin naalagaan si Coen at natatakot ako na baka malayo ang loob niya sa akin. "Ito, nakatulog na kakalaro."
"Salamat talaga ma ha,"
Kung wala talaga si mama baka nahirapan na akong palakihin si Coen. Aminado akong wala talaga akong alam sa pag-aalaga ng bata.
"Ano ka ba. Basta ingatan mo lang ang sarili mo."
"Oo naman po, busy talaga sa trabaho lalo na at may kliyente kami sa ibang bansa."
"Mabuti naman yan pero wag mag pakapagod. Magpahinga ka rin paminsan-misnan."
Napatango ako. Nagpaalam na ako kay mama at pinatay na ang tawag. Tumayo na ako at lumabas ng office. Ngayon na dadating si Mr. Yu. Sumalubong naman sa akin si Cynthia ang assistant ko na nasa 30's na rin.
"Ma'am andyan na ho sila. Nakahanda na rin ang mga workers." dumiretso na ako sa baba kung saan doon namin sasalubungin ang client.
Nakalinya na rin sa gilid ang mga bellboy, housekeeper, front desk at iba pang workers ko. Huminga ako ng malalim at naghanda na sa harap ng entrance. Pinagbuksan na ng guard ang kararating na client. Nakasuot ito ng tuxedo at nakasunglasses. Matangkad at mabalahibo ang katawan.
Ngumiti ako nang makarating siya sa harapan ko at nagbow rin ang mga kasama ko sa motel.
"We are glad you came here Mr. Yu. As what you expected we already prepared everything for you. The best room view. By the way I am Mellan Luna the owner." inabot ko sa kanya ang kamay ko. Tinanggal naman niya ang sunglasse niya at tinanggap ang kama ko.
"Please to meet you, Ms. Luna." nginitian niya ako ng malapad at humigpit ang hawak sa kamay ko. Binawi ko na ang kamay ko. "They will guide you to your room and so that you can have your tour."
Tumango siya at tinignan ang mga trabahante ko na maayos at malinis ang mga kasuotan. Isa pa ang gaganda nilang tignan sa kanilang uniporme.
"Okay, I guess you are really prepared for this. Not bad." napangiti ako at sinamahan na siya ng mga nakaasign sa kanyang magtotour sa hotel.
Napabuga ako ng hangin mabuti na lang at maayos ang pag welcome namin saka mukhang mabait naman siya. Inobserbahan ko naman ang paligid kung maayos ba ang hitsura ng hotel, kung malinis ba, at kung kaaya-aya ba.
"Cynthia!" tawag ko sa assistant ko habang nakatingin sa vase na nakadisplay pa malapit sa entrance. "Yes maam?"
"Bakit pa 'to nandito? Di ba I already told you to change this vase and flower na sinabi ko? Why is it still here?"
BINABASA MO ANG
Alone in your dreams (COMPLETED)
RomanceHindi ordinaryong tao si Mellan Luna, isa siyang Batibat na matagal nang hinahanap ang katapusan niya. Sa isang panaginip ng binatang si Kobe ay sila ay nagkita. At ang pagtagpo nila ay magiging umpisa nang kalbaryo ng buhay nila. Date Published: Ju...