Chapter 24 | Hope

8 5 0
                                    

"And he might be on trap 'coz I saw his body disappeared and impossible namang kunin ng spirit na yon ang katawan ni Kobe. Malakas talaga ang kutob ko dito."

"That he's alive?"

Natahimik saglit si Lu sa kabilang linya. "And maybe dying alive."

Kumunot ang noo ko at nalito lang sa mga sinasabi niya. Dying alive?

"Teka? Nalilito ako."

"Look, wala sa kabaong ang katawan niya that time na inilibing siya. At possibleng natrap ang katawan niya somewhere and he needs us."

Bigla na lang sumakit ang ulo ko at nalilito. Patay na siya at bakit naman niya kakailanganin ang tulong namin.

"Mas matagal akong batibat sayo, Mel. I have known about this creature very much. They are playing us, your destiny, and maybe even my destiny?"

Natahimik ako. Hindi ko alam kung anong irereak pero nabibigyan akong pag-asa. A hopeful what if that maybe, maybe I can still have him back.

Binasa ko ang librong ibinigay sa akin ni Lu bago siya umalis iniregalo niya ito sa akin. Tungkol lang naman ito sa dark life ng mga mythical creatures, like Batibat, Aswang, Kapre and even that spirit of death.

Pero wala naman akong nabasang iba pang detalye bukod sa maaaring mabuhay ng spirit na yon ang isang patay.

Palakad-lakad ako sa office ko. Hindi ako mapakali lalo na nang sabihin ni Lu na nawala na lang bilang bola ang katawan ni Kobe sa kabaong. Possible ba kayang andoon pa ang mga boto niya?

Maaga palang ay nagpaalam na ako kay mama may tinawagan rin akong pwede kong mautusang hukayin ang kabaong ni Kobe. Kumuha ako ng isang boy na ngayon ay inuumpisahan nang hukayin ang kabaong kahit tirik ang araw.

Kung makumpirma kong wala ang katawan niya sa kabaong possible ngang natrap si Kobe. Pero papaano namin siya matutulungan?

"Manong, iwan niyo na muna dyan ang kabaong. Magpahinga na muna kayo, tatawagin ko lang kayo mamaya." sumunod naman siya at iniwan na akong mag-isa sa tirik na araw.

Bumaba ako sa lupa kung saan andoon ang kabaong kahit na medyo nahihirapan ako dahil sa taas ng heels ko. Maingat akong bumaba.

Huminga ako ng malalim habang pinakatitigan ang kabaong ni Kobe. Dahan-dahan ko itong binuksan at laking gulat na lang dahil wala man lang buto o katawan ang andoon. Isinarado ko agad iyon.

"Walang buto? Papaano yon?" Tinawag ko na ulit si manong. "Patakpan niyo na uli manong." nagtatakang tanong niya.

"Po? Kakahukay ko lang, ipapatakip niyo agad?" tumango ako kahit na kanina ko pa pinapagod si manong.

Binayaran ko naman siya ng malaki para sa tulong niya at umalis na ng sementeryo. Hinayaan ko na siyang ibalik sa dati ang hitsura ng libingan ni Kobe.

"Wala talaga sis. Pinaghukay ko pa pero walang bangkay. Possible ba yon?"

Kanina pa ako palakad-lakad sa office ko habang kausap sa kabilang linya si Lulu.

"Malakas talaga ang kutob ko dyan e. Isa lang ang maaari mong gawin."

Huminto ako sa likod ng upuan ko at napahawak doon habang hinihintay ang sasabihin ni Lu.

"For you to know kung buhay paba talaga si Kobe."

"What is it Lu?" napalunok ako ng laway.

"You must find that spirit of death. I mean, if you cant find it, trap it somewhere or call it."

Napaisip ako at napatango. Di na rin kami nagtagal sa usapan ni Lulu. Binuklat ko ang libro ni Lulu at binasa kung may paraan bang matawag ang espiritu na yon. Anong ritual na pwede kong gawin.

Alone in your dreams (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon