Melan"So back to it. Do you like each other?"
"We're friends of course I like him, as a friend and obviously he does."
"Right. There's no reason to hate each other."
Naupo ako sa kahoy na upuan ko habang hawak-hawak ang wine glass. Naglilikha ako ng tunog dito gamit ang matataas kong kuko. Gabi-gabi lang ako napapanatag at malayang maging ako. Lumaki akong hindi nakakaramdam nang saya, hindi alam ang rason kung bakit tatawa, dahil hindi naman talaga ako kagaya nila. Pero kanina habang nasa loob kami ng kotse, sa tuwing napapansin kong nagngingitian si Ciara at Kobe parang nakaramdam ako ng kirot sa dibdib.
Tumayo ako at ibinaba ang wine glass sa mesa. Muli kong tinitigan ang sarili sa salamin. Saka ko lang uli napagtantong isa nga pala akong Batibat at hindi ako dapat nakikisama sa mga tao. Pero parang unti-unti ay nasasanay na rin ako. Lalo na noong naranasan ko kung anong pakiramdam ng mayakap at mapasaya ang isang tao. That time when I saw Kobe smile nakaramdam uli ako nang kiliti.
Napatingin ako sa dibdib ko kung saan mayroon akong sugat na natamo. Napangiti ako sabay rin ng kirot na nararamdaman ko. Sa bawat sugat na natatamo ko, nauubusan din ako ng lakas. Parang tinatanggal lahat ng laman sa loob ko sa sobrang sakit. Wala pa ito sa dami nang pinatay ng isip ko.
Napayuko ako nang makaramdaman ako ng uhaw. Napahawak ako nang madiin sa mesa ko lumilikha nang ingay ang paghiwa ng kuko ko sa mesa. Lumalabas ang ugat sa buong katawan ko mas umiilaw pa ang puti kong mga mata. Sinusubukan kong hindi pumatay ng tao at baka sakaling makayanan kong hindi na kailangang dalawin sila sa panaginip.
Habang pinipigilan ko ang sarili ko humihina ang katawan ko. Paunti-unti kong nararamdaman ang hiwa kahit sa anong parte ng katawan ko hanggang sa manlumo ako at mahihirapang tumayo. Hindi mabilisang nawawala ang sakit na natatamo ko, parati kong nararamdaman ang bawat hapdi na humihiwa sa akin na parang mainit na likidong pumapaso sayo. Ang hirap itago ang sakit pero kinakaya ko.
"May natipuhan ka na ba sis?" pagkadating ko talaga lagi sa opisina si Lulu ang sasalubong sa akin para tanungin ako tungkol sa mga lalaking wala naman akong interest.
"Hindi ko na ginagamit ang app. Puro naman SOC naiisip nila don. Boring." sagot ko sa kanya sa totoo.
Andito pa rin ang hapdi sa mga sugat ko pero pinipilit ko na lang itago. Sa bagay hindi rin ito nakikita ng mga kasama ko kapag hindi ako nagbabago ng anyo. Sana pwede ding ipause saglit ang sakit. Naupo si Kobe sa upuan niya sinulyapan lang niya ako at hindi na pinansin. Ngumiti lang ako, wala lang, lagi kasing ngumingiti ang ibang tao kaya ginagaya ko. Panay ang sulyap ko kay Kobe at sa tuwing lalapit siya kay Ciara para may ibigay at idiscuss para akong naiirita. Kinakausap niya rin ang ibang kasamahan niya tungkol sa bagay na wala naman akong alam.
Pinapanood ko lang silang magtrabaho habang ginagawa ko rin ang akin. Kailangan ko rin nang paglilibangan kasi wala rin namang akong ginagawa, hindi naman ako natutulog, and how I wish to experienced it. Gusto ko ring maranasan na makatulog at managinip. Kasi kami pag pumipikit nanaginip nga kami pero imahe lang ang nakikita namin at hindi rin kami tulog nakapikit nga lang. Gusto kong maranasan iyong mahimbing kang humihilig sa kama mo at nananaginip ng masayang bagay. Kung magiging tao man ako kahit malabo iyon ang gagawin ko. Gusto ko sa mataas na lugar, na may hangin, na may wine nagugustuhan ko na kasing humawak ng wine glass.
"Guys! Heads up!" bumaling lahat ng pansin namin kay Sir Koko. Seryoso namang hinihintay ng marami ang kanyang sasabihin na mukhang importante at good news.
"By the end of the month, we can have our vacation leave! So, I am reminding you to do your best on our job dahil sa susunod na araw magkakasiyahan na tayo!"
BINABASA MO ANG
Alone in your dreams (COMPLETED)
RomanceHindi ordinaryong tao si Mellan Luna, isa siyang Batibat na matagal nang hinahanap ang katapusan niya. Sa isang panaginip ng binatang si Kobe ay sila ay nagkita. At ang pagtagpo nila ay magiging umpisa nang kalbaryo ng buhay nila. Date Published: Ju...