Chapter 18 | Huli

4 5 0
                                    

"Hatid na kita!"

"Hindi na! Bye!"

Nagmadali akong pumunta sa elevator. Nang bumukas ang elevator saka ko naalalang wala pa pala akong ligo at kailangan ko pang magbihis. Ghorl. Wala ka ng magic.

Nagpunta ako sa unit ko at ilang minuto lang naligo. Hindi naman ako mahinhing tao para matagalan sa pagbibihis. Kinuha ko lang ang damit na ayos na sa akin.

"Hatid na kita.." ng nasa harapan na ako ng elevator ay lumitaw sa tabi ko si Kobe at pinindot niya ang first floor.

Wala na akong nagawa kundi ang makisabay sa kanya saka late na ako.

"Iba kana ngayon. Nagmamadali kana." aniya at parang natawa.

Sinulyapan ko siya habang nagmamaneho siya.

"Things change. Saka pwede ba itigil mo na yang 'iba kana' na mga linya mo."

Ngayon ramdam kong kumukulo ang dugo ko. Ganito pala mainis? Ngayon alam mo na. Rinig ko ang pagtawa niya.

"Ngayon ikaw naman ang pikon." di ko siya pinansin hanggang sa makarating na kami sa coffee shop.

"Sunduin kita mamaya."

Di ko na siya tinignan pa at dumiretso na sa loob ng shop. Ginulo ko na ang isip ko sa trabaho. Pero kahit anong gawin ko sumasagi parin sa isipan ko ang nangyari kanina. Napahawak ako sa labi ko at napangiti. May parang kumikiliti sa akin at napapangisi ako.

"Yang mga ngiti yan, hahantong rin yan sa iyak.." namulat na lang ako nang lumitaw sa tabi ko si Nina ang kapatid ni Drey.

Pitong buwan na ang batang nasa sinapupunan niya.

"Tama na yong drama, te. Kilig naman ngayon." napailing lang si Nina.

"Sanchez!" inihanda ko na sa counter ang mga nakalinyang order.

"Pero di mawawala ang sakit, miss. Kahit punoin mo man ang sarili mo ng kilig di mo pa rin maiiwasang di ka masaktan."

Napangiti ako ng mapakla kay Nina. Umiling ako at tinap ang kanyang tiyan.

"Pain never matter if there's someone who fill those lacking inside you. Saka ate, sure akong nagsisisi na ang lalaking yon na naiwan ang mag-ina niya. Bangungotin sana siya." nakitawa siya sa akin.

Naramdaman ko uli ang mga sugat ko sa katawan. Napakagat na lang ako ng labi at tinitiis ang bawat pagdiin ng sakit sa katawan ko. Kung mananatili akong ganito siguro hindi rin ako magtatagal. Nabuhay lang din ako bilang tao para mamatay ng mabilis.

Nang gumabi na ay tinulungan ko na si Nina na isarado ang shop niya. Dumating namang magkasama sina Lulu at Drey para sunduin si ate. Iyong mga ngiti ng dalawa abot hanggang langit. Masaya rin ako dahil tanggap sila ng ate ni Drey.

"Sama kana sa amin, Mel." tumanggi ako sa kanila. "Hin-"

"Ihahatid ko siya." napatingin kaming lahat sa lalaking pumutol sa akin.

"Owss. Sige! Mel!" sinenyasan ako ni Lulu at napailing lang.

Umalis na rin sila at kumaway ako. "Sa'n ka ngayon nakatira?"

Nasa gitna na kami ng biyahe ng isingit niya ang tanong na 'yon. "Do'n pa rin."

"Mabuti naman."

Tahimik lang ako sa kotse nang maalala ang nangyari sa amin. Ako itong iniinis siya sa mga ganito noon tapos ako itong hiyang-hiya. Now I know the feels. Di ko namalayang nakarating na pala kami sa condo. Hinatid niya pa ako sa unit ko.

"Sige na." papasok na sana ako sa loob nang hawakan ni Kobe ang kamay ko.

"You still owe me something." nagtaas ako sa kanya ng kilay. Ano naman ang naging utang ko sa kanya? Sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi niya.

Alone in your dreams (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon