Chapter 19 | Bingit

6 5 0
                                    

Kobe

Nagising na lang akong nakahiga sa isang kama at nakahubad ang pang-itaas. Napangiti ako at inabot ang babaeng katabi ko. Nadismaya ako ng mayakap ang tanging kumot sa tabi ko.

"Nagtrabaho na ba siya?"

Bumangon ako at isinuot ang tshirt ko. Tinawag ko ang pangalan ni Mel sa buong unit niya pero walang sagot mula sa kanya. Napahinto ako sa isang dingding ng unit niya kung saan may isang sticky note na nakalagay ang pangalan niya at pangalan ko. Napangiti ako at kinuha ang sticky note saka binasa.

Kobe,

Good morning! Pinagdeliver na lang kita ng pagkain gaya mo di ako marunong magluto. About last night, I think I have to answer it through this. Di ko ata kakayanin kong nasa harap kita. Mahal din kita, Kobe. Gaya mo gusto kong bumuo ng pamilya kasama ka.

Di mabura ang ngiti ko sa mga labi ko pero nang tapusin kong basahin ang sulat ay para akong binagsakan ng langit. Nabura ang ngiti ko at muntikan na akong mawalan ng balanse sa nabasa ko.

Nabitawan ko ang sulat at agad na lumabas ng unit niya. Dumiretso ako sa parking lot at pinaandar na ang sasakyan ko. Hindi ko alam kung saan siya hahanapin, siguro uunahin ko sa cafe shop. Pagkadating ko doon ay lumabas na agad ako ng sasakyan at pumasok sa loob ng shop pero wala akong nakitang Mel sa loob. Nilapitan ko ang ate ni Drey.

"Si Mel po?"

"Si Mel? Di ko alam, Kobe. Nag-iwan kasi siya ng mensahe sa akin kanina na baka di na siya makabalik daw. Nakakalungkot nga at wala akong makakasama ngayon."

Nagpaalam na ako kay Nina at muling hinanap si Mel kahit saang lupalop sa Cebu.

Gaya mo gusto ko ring bumuo ng pamilya kasama ka. Pero ayokong masaktan ka sa bandang huli, Kobe. Mabuti ng tapusin ko ito ngayon kaysa magtagal pa. Pinarusahan ako, Kobe at hindi ko alam kung hanggang kelan ako magtatagal. H'wag kang mag-alala ayos lang naman ako. Wag mo na lang akong hanapin at magpakasaya ka na hindi ako inaalala.

yourstruly,
Mel

Nahampas ko na lang ang manabela ko dahil sa inis. Hinanap ko si Mel ng hinanap pero wala. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Inihinto ko ang sasakyan ko sa labas ng building na pinagtatrabahuan ko. Pumasok ako sa loob na ganito ang suot, pambahay. Nagtataka rin ang mga tao sa loob dahil sa hitsura ko.

"Kobe? Alam mo naman sigurong shift mo ngayon?" seryoso kong hinanap ang isang tao.

"Ayos ka lang Kobe?" hindi ko sila pinansin at diretso lang ang tingin ko kay Lulu.

Huminto ako sa harap niya na ikinagulat niya. "Kobe? Haggard natin ngayon ah? May sakit kaba?"

"Mag-usap tayo.." nakataas lang ang kilay ni Lu at nagtataka sa inaasta ko.

Lumabas ako ng building at gano'n din si Lu. "Alam mo kung nasaan si Mel diba? Please, tell me."

Alam kong alam niya. Nababasa ko ito sa mukha niya ngayon.

"Please, Lu. Tell me where she is!" napasigaw na lang ako sa pinaghalong emosyon ko.

"Kobe, kalma." napahampas na lang ako sa sasakyan ko.

Kung magpapakita siya bakit kailangan niya pang umalis? Kung nahihirapan siya, wag niyang solohin! Gusto ko nasa tabi niya ako. Kahit papaano matulungan ko siya.

"Hindi mo mababago ang tadhana ni, Mel. And I don't think she will take it here for long." mahina ang boses ni Lu pero rinig na rinig ko ito. Hinarap ko siya. I'm furious right now.

"Bakit? May sakit ba siya?"

"Pinarusahan siya, Kobe. Kami. Magkaiba nga lang ang sitwasyon namin ni Mel. Noong isa pa siyang Batibat, may mga sugat siya at bilang parusa ang mga sugat na yon ay mananatili sa kalooban ni Mel. Pipigsain siya nito sa sakit, Kobe hanggang sa di niya kayanin."

Alone in your dreams (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon