Chapter 13 | Sugat

10 4 0
                                        

Habang nagbibihis ako pansin ko ang pasa sa leeg ko. Hindi kaya dahil ito sa napanaginipan ko? Is it Mel? Napailing ako, hindi niya ako magagawang saktan uli but who knows? She tried to kill me before and what's the different now?

"Kuya alis na ako!" nagmadali akong nag-ayos at itinaas ang kwelyo ko para takpan ang pasa sa leeg ko.

Inihatid ko na si Ky sa airport dahil aayusin niya lang ang application niya para makapag-umpisa na siya sa training. Dumiretso ako ng trabaho.

"Ang lala ng chikinini natin bai! Kanino yan?" pagbibiro pa sa akin ni Drey. Kinuha ko ang phone ko at napansing lumala ang pasa ko sa leeg.

"Anong nangyari dyan Kobe?" napatingin na din sila sa leeg ko. Hinawakan pa ito ni Lulu at hindi naman siya masakit.

"Wait. Binangungot kaba?" nag-aaalalang tanong ni Lulu. Naupo na ako at tinakpan ang pasa ko. "Oo,"

Bumalik na sa upuan ang iba kong kasama at naiwan si Lulu sa tabi ko at sinusuri ang pasa ko sa leeg. Dumating na si Mel kaya mabilis kong tinakpan ng panyo ang leeg ko. Napatingin siya sa akin at kay Lulu.

"Nangyari sa leeg mo at tinatakpan mo?"

"Kasi-" pinigilan kong magsalita si Lulu.

"Wala medyo malamig lang." pagkakaila ko at naniwala naman si Mel.

Bumalik na rin sa upuan niya si Lulu at nagpokus na kami sa trabaho. Habang nagtatrabaho hindi ako mapakali sa leeg ko dahil parang ramdam ko pa na may sumasakal sa akin. Hinawakan ko ang leeg ko at inestretch. Sa tuwing tumitingin sa banda ko si Mel ay umaayos agad ako ng upo.

Napatingin ako sa kanya ng palihim. Maaari kayang siya o iba? Pero hindi naman ito magagawa ni Mel tiyak akong ito ang sinasabi niyang bangungot na nililikha ng tao. May tiwala ako sa kanya, maniniwala ako, susubukan ko...

Pinagbreak muna kami ng TL namin dahil aayusin nila ang computers namin. Maintenance kamo. Dumiretso kami sa locker room para doon magpahinga saglit. Sa pagod ay nakatulog ang mga kasama ko. Nanatili kami doon ng ilang minuto at napansin kong tumayo si Mel at lumabas ng locker room. Sumunod si Lulu sa kanya palabas.

"Ara ayos ka lang?" napatingin ako kay Ara na pinagpapawisan habang nakahiga ang ulo sa kanyang kamay.

Nilapitan ko sila. Binabangungot si Ara at hinahabol niya ang kanyang paghinga. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at saka inalog. Nag-aalala na rin kami sa loob.

Pawis na pawis ito at naghihingalo ang kanyang boses na walang salitang lumalabas.

"Tingnan niyo." napatingin kami sa braso niya at namumuo roon ang malaking pasa. "Tumawag kayo ng doctor!"

Natarantang umalis si Dian. Inalog ko ng inalog ang balikat niya at hindi pa rin siya nagigising. "Anong nangyayari?"

Dumating si Sir Koko at si Lulu. Nagtawag na rin daw sila ng emergency. Kinarga ko na agad si Ara ng dumating si Dian at sinabing nasa labas na ang emergency.

"Sama ako sa hospital, dito na lang kayo."

Sinamahan ako ni Lulu sa hospital at kasalukyang tinitignan na ng doctor si Ara. Naupo ako at ginagalaw ang tuhod ko dahil sa pag-aalala. Nakatayo si Lulu malapit sa pintuan habang naiinip sa kakahintay.

Ayokong isipin na si Mel ang may gawa nito pero asan siya kanina? Bakit nawala siya? Lumabas na rin ang doctor at agad kaming lumapit sa kanya.

"Unforunately, she was experiencing a sleep paraylsis. It is not that serious and can actually be treated it is most common to those person who lack to sleep. I will give you a medication for her to take to help regulate her sleep cycle. You can check on her now, she's awake."

Alone in your dreams (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon