Chapter 16 | Mel

6 5 0
                                    

Kobe

"Anak, bibisita kami sa mangrove forest mamaya. Baka gusto mong sumama at maglibot-libot?"

Wala rin naman akong gagawin sa bahay kaya pumayag na rin ako. Minsan kasi nagtutulungan ang mga purok leaders at mga magkakapitbahay na magtanim ng mangrove sa lugar namin. Ilang taon na rin simula nong napabisita ako doon.

"Maraming pinagbago ang lugar na 'yon. Madami ng mangrove na natanim namin."

May iilan rin kaming nakakasalubong ni mama ang mga kapitbahay namin.

"Nakauwi na pala si Kobe, kamusta Kobe?" nginitian ko lang sila.

"Mabuti naman po.."

"Sus, ulitaw naman ang anak nimo dae." (Bisaya. Ulitaw - Binata)

"Sus, malamang. Gwapo nga diba?"

"Manang-mana sa ama. Gwapo. Kailan mo ba yan balak pag-aasawahin?"

Napaubo na lang ako dahil sa sinabi nila. Nagtawanan sila.

"Nakuh! Malapit na. Hintayin niyo lang. Iinvite ko kayong lahat."

"Ma naman." saway ko kay mama at natawa lang siya. "Bakit? Wala ka pa bang jowa?"

Bulong ni mama sa akin at natahimik ako. Dahan-dahan akong tumango at muli na naman siyang tumawa.

"Paano ba yan puro ka trabaho. Hanap-hanap ka rin. Diba single din si Ara? Ba't di mo ligawan."

Napaisip ako bigla kay Mel. Isa lang naman ang gusto kong pangasawahin.

"May iba akong gusto ma."

"Oh? Naman pala. Ligawan mo na o di kaya pangasawahin muna agad." napangiti na lang ako dahil sa full support ni mama.

"Soon, pag nagkita uli kami."

Nagpaalam ako kay mama na maglilibot lang ako. Nagtatanim kasi sila ngayon kaya gusto ko namang libutin ang buong lugar dahil ilang taon ko na rin itong di nadadalaw. Sumakay ako sa isang bangka. Nagtungo ako sa malayo kung saan binibigyan ako ng daan ng mga mangrove. Ang gaganda nilang tignan para tuloy akong nagbabangka sa gitna ng red carpet na invisible.

Nagsagwan pa ako hanggang sa napagod ay hininto ko muna ang pagsasagwan at napabuga ng hangin. Napahiga ako sa bangka at ipinikit ang mga mata ko.

"Wah! Sure na ba 'to?"

Napadilat ako sa mata ko dahil sa ingay na narinig ko. Bumangon ako at nagmasid-masid sa paligid hanggang sa dumako ang tingin ko sa isang babaeng nakasuot ng daster at naglalakad sa bawat ugat ng mangrove. Mas inilapit ko pa ang mukha ko upang makumpirma kung sino siya para kasing pamilyar ang boses at katawan niya.

Sinundan ko siya ng titig pero palya ang paningin ko dahil sa mga nakaharang na kahoy. "Mel?"

Nanlaki ang mata ko nang tumingin siya sa banda ko. Napamura na lang ako dahil sa paggalaw ng bangka at sinalubong ko ang malamig na tubig sa buo kong katawan. Pag minamalas ka nga naman. Bumalik sa ala-ala ko ang babae at nagulat na lang ako nang makita siya sa harapan ko at nakangiti. Nakadungaw siya sa akin at tinitigan akong nakalubog sa tubig. And what shock me the most is that she looks like Mel. All the flaws and every inches. Is she really her? Did she really turned into human?

"Do you need help?" nakangiti niyang tanong kitang-kita ang mapuputi at straight niyang ngipin.

Kinapa ko ang bangka at lakas pwersa na binaliktad ito. Kung bakit ba kasi gumalaw pa 'to. I tried to climb up the boat pero nahuhulog lang ako. Narinig ko ang mahinang tawa sa likod ko.

Alone in your dreams (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon