CHAPTER 23

1.1K 51 11
                                    

Psyche's POV

Sabado ngayon at kasalukuyan kong ginagawa ang mga assignments ko sa kadahilanang hindi ko nagawa kahapon dahil nga dun sa nangyari kagabi. Hindi din sumabay si master red na magumagahan kanina siguro ay nahihiya pa itong humarap sa kanyang ina maging ako ay nahihiya din. Pano pag nalaman nito na isa ako sa mga dahilan kung bakit nagkagulo kagabi. Kasalanan ko din naman, pero malay ko ba na gusto ako nung unggoy na yun hays nang dahil dun hindi ako makatulog ng maayos kagabi kakaisip ng nangayari kahapon.

Gusto niya ako? Tss pinagtitripan lang ata ako nun eh.

Hay nako psyche alam mo naman yung master mo na yun prankster din minsan.

Naisipan ko nang bumaba ulit at gawin ang mga ginagawa ko pag weekends, tumutulong sa kusina at naglilinis kung san san alangan naman kasing tumambay lang ako maghapon sa kwarto syempre hindi pwede yun.

Medyo close na nga din kami ng mga kasambahay dito eh ang dami nilang chika sakin kung tutuusin sampung katulong ata ang naririto sa bahay na ito tapos tatlong janitor 3 guards at apat na driver. Ang mga janitor, guards at driver ay mayroong sariling bahay sa likod ng mansion dun na sila nakatira parang boarding house kumbaga ang mga maids naman ay nasa ibabang mansion at mayroon ding sari sariling kwarto.

Malapit na mag tanghalian kaya inayos ko na ang dining table nang biglang may yumakap sakin sa mula sa likod.

"Hindi mo man lang ako binisita sa kwarto ko kung magaling na ba tong sugat ko" sabi nito

Dali dali akong humiwalay sa yakap dahil bigla akong nakaramdam ng takot.

Takot na baka may makakita samin

"Huy nababaliw ka na ba talaga? Baka may makakita satin"  pabulong kong sabi sakanya sabay layo sakanya.

"So what?yun lang sasabihin mo sakin? I'm hungry feed me" utos nito

"Tsk bakit kasi hindi ka bumaba kanina nung breakfast. Hintayin mo nalang yung lunch" pagtataray ko

Teka bakit ang taray taray ko? Siguro dadatnan na naman ako bwisit.

"Why are you so rude?"

"Tsk hindi ako rude kaasar ka kasi dun ka na nga" I was about to leave but he suddenly grabs my waist kaya ngayon sobrang lapit ng mga mukha namin.

"Sinasagot sagot mo na ako? Do you want me to punish you?"

"Sinong tinatakot mo?" Nagbago ang mood ng kanyang mukha halos magkadikit na ang kanyang dalawang kilay.

Ewan ko din ba sakin

Nagtatapang tapangan ka gurl?

"So you want to be punished by your master huh? Come with me" sabi nito at bigla nalang akong kinaladkad kung saan.

Dinala nya ako sa library.

"Anong gagawin mo sakin?" tanong ko habang dahan dahang lumakayo sakanya habang nilolock nya ang pintuan.

"Bakit anong gusto mong gawin ko sayo?" Sht

Dahan dahan siyang tumalikod at tuluyang na siyang nakaharap sakin... ginagago talaga ako neto! Lalo tuloy akong kinabahan dahil nakangiti ito nang nakakaloko.

"Kumain na tayo tara na wag mo na akong pagtripan!" Sabi ko habang tuluyan pa ring umaatras palayo sakanya hanggang sa wala na akong ma atrasan dahil nakasandal na pala ako sa bookshelves.

Sobrang lapit niya na sakin kaya pinikit ko nalang ang mga mata ko.

1...2...3...4..5....

Limang segundo na ang nakakalipas pero wala pa ring nangyayari.. pag dilat ko nakatapat siya sakin at para bang may inaabot siya sa itaas.

The Bad Boy's Obsession [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon