Psyche's Pov
Ewan ko ba kung ano mararamdaman ko.. Di ko talaga alam... basta ang bilis ng tibok ng puso ko siguro kinakabahan ako at natakot dun sa nangyari.
Tama sino ba namang hindi matatakot at hindi kakabahan don diba? First Kiss ko yun eh tapos nakuha lang ng unggoy na yun. Nakakainis lang!
Habang tulala ito sa nangyari ay sinamantala ko ng tumakbo palayo sakanya buti nalang talaga at walang dumaang studyante na nakakita samin kundi patay ako at buti nalang talaga ay hindi na niya ako hinabol ulit.
Dahil kung oo baka mahimatay nako.
Ayoko na palang mag aral dito nagbago na isip ko! Ayoko na siyang makita.
Hindi ako mapakali habang nagmamaneho pilit na pumapasok sa utak ko yung nangyari kanina..
Nakakainis talaga! Pero ewan ko ba kung maswerte bako o hindi kasi naman ang gwapo nung nakakuha ng first kiss ko or malas kasi bwisit sa buhay ko yung lalaking yun.
Ang bilis ng tibok ng puso ko...
Shemay makauwi na nga ng mabigay ko kay mama tong tatlong libong bigay ni kyutiepie sakin.
Buti nalang talaga at Biyernes ngayon. Tuwing huwebes at biyernes kasi wala kaming pasok masyado kasing maraming studyante dun sa paaralang yon kaya kailangan may isang araw na walang pasok para magamit ng iba yung classroom kaya minsan nag seself study nalang ako sa bahay. May mga libro rin na ibinagay sakin ni mama tungkol sa business.
Pagdating ko sa bahay naabutan ko si mama na nag iimpake pa din ng mga tapsilog.
"Mama!" agad naman itong lumingon sakin sabay ngiti
"Oh anak mabuti naman at nakarating ka ng ligtas"
"Oo nga po ma.. nga pala po eto po tatlong libo" kumunot ang kanyang noo ng iabot ko ang pera
"Bakit? Tatlong libo? Saan naman to galing? 250 lang ang bayad sa tapsilog na bili nila" nagtatakang tanong ni mama
Sht! Naalala ko na naman tuloy yung nangyari kanina!
"Ah ma kasi ganto yun" umakbay ako sakanya
"Naglaro ako sa perya ma! Pasensya na naakit ako ng perya eh kaya ayun buti nalang talaga at nakachamba ako kaya naging tatlong libo"
Ayoko naman sabihin kay mama ang nangyari dahil tiyak na mag aalala siya at magagalit dahil kinuha ko ang tatlong libo dun kay kutie pie!
"Nako naman anak pano nalang kung natalo ka?" inalis niya ang pagkakaakbay ko at saka ako pinalo sa pwet
"Aray ma! Wag kanang magalit nanalo naman ako ah!"
"Hay nako talagang bata ka nagmana ka sa tat---" hindi nya natapos ang kanyang sinasabi at pagkatapos ay bumalik na siya sa kanyang ginagawa...
Hindi nako nagtanong pa tungkol don dahil alam kong 'nagmamana ka sa tatay mo' mo sasabihin niya.
Ayaw niyang pinag uusapan ang tatay ko eh.
"Ma may mga nag order pa?"
"Oo malapit lang diyan sa may kabilang barangay"
"Oh ako nalang mag hahatid ma"
"Wag na ako nalang malapit lang naman yon saka baka iperya mo na naman kaya ako nalang. Mag linis ka nalang"
"Mama naman...nanalo naman ako eh" sabay pacute sakanya haha
"Kaya nga pano nalang kung hindi na diba?"
"Wala kang tiwala sakin mama?" Kunware naiiyak ako hahaha
"Abay meron akong tiwala sayo noh! Basta anak magpakabait ka lang huwag kang pasaway ah! Mag aral ka ng mabuti.. Magsikap ka sa buhay para hindi ka magaya sa nanay mo saka wag kang magpapadala sa mga ibang tao anak ha! Alam mo na ang tama at mali... Dun ka sa tama lagi saka ipaglaban mo ang karapatan mo kung sakaling may tumatapak sayo wag kang magpapatalo ipakita mo sakanila na kaya mo! Kaya may tiwala ako sayo! Anak kita eh saka mahal na mahal na mahal kita!"
"Mama naman ang daming sinabi opo tatandaan ko yang bilin mo sakin!"
"Aba dapat lang osya mauna nako baka nagugutom na yung mga umorder ng tapsi!"
"Ingat ka ma!"
"Love you nak!"
Weird... di naman sya ganun pag nagpapaalam eh .
Ah baka kasi sa sinabi ko kanina na nanalo ako sa perya haha si mama talaga kunware pa eh.
Nagsimula nakong magligpit at maghugas ng mga plato, kawali, sandok at lahat ng ginamit pangluto ng Tapsilog at iba't-ibang uri ng silog.
Natapos ko ng lahat lahat pero di pa rin bumabalik si mama.
Hindi nako nakatiis kaya lumabas na ako ng bahay.. Habang naglalakad ako nakakita ako ng mga taong nagkukumpulan sa kalsada.
"PYSCHE!!!!" Pagkakita sakin ni Diego ay niyakap nya ako ng sobrang higpit
"Huy diego parang di tayo nagkita kani---aray ko di ako makahinga.
Nakita mo ba mama ko diego?"Hindi sya kumawala sa pagkakayakap...
"Huy diego umiiyak ka ba?"
"Psyche sorry.."
"Bakit?"
"Hindi ko nasagip si tita sa pagkakabangga nya...pysche nabangga si tita..." biglang nangihina ang tuhod ko sa narinig ko...
Hindi pwedeng mamatay ang mama ko!
"H-hindi....hindi..."
Dahan dahan akong lumapit sa mga taong nakapalibot
Nakita ko si mama....
Puno ng dugo ang kanyang katawan... walang malay...walang buhay... nagkalat din ang paninda nyang tapsilog...
Wala na ang mama ko.. wala nakong kasama sa buhay... wala na ang nag iisang pamilya ko...
Wala ng natira sakin...
"AAAHHHHHHHHHHHHHHH"
TO BE CONTINUE...
HELLO GUYS PLS VOTE AND COMMENT ;)) THANK YOU!!! SANA NAGUSTUHAN NYO PO..
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Obsession [ON GOING]
Teen Fiction"I want you to bring Psyche here" "Bakit?" "I...i.. fck i want to see her so put your ass up at dalhin mo siya dito" "Damn dude! Out of nowhere gusto mong dalhin ko siya dito. You know dude your obsessed" "Just bring her to me! May iuutos lang ako...