CHAPTER 16

1.7K 58 12
                                    

ENJOY READING~

Psyche's POV

Isang linggo na ang nakakalipas.. naging normal naman ang ilang linggo kong pagpasok sa school pero hindi mawawala ang pang iinis at pangbabadtrip sakin ni Red.. akala ko okay na ang takbo ng isipan niya pero mas lalo itong lumala.. naiinis ako dahil minsan nagugulat nalang ako kasi nasa likuran ko na siya at syempre mas lalo ding nagagalit sakin si Cheska and hindi lang siya pati yung mga patay na patay kay red.

Binaliwala ko nalang iyon.. ang mga pamatay na tingin at mga parinig nila sakin. Naging normal na ito sakin.

Vacant namin hanggang mamaya kaya naisipan kong lumabas muna ng classroom.. Hindi ko alam kung nasaan sila Red ngayon.

I checked my phone, wala naman itong text baka kasi may iuutos na namin ito sakin kesyo bumili ako ng hot chocolate or siomai or fried rice or kung ano man ang trip niyang kainin tss ang takaw takaw niyang kumain parang hindi pinapakain ng marami sa bahay nila pero hindi naman tumataba tapos may abs pa hays gusto kong hawakan abs niya hehe.

Hala landi!!!

Mag isa akong naglalakad sa garden ng school vacant ngayon at naisipan kong maglakad lakad absent si Alison dahil may sakit ito kaya pupuntahan ko ito mamayang uwian, dadaanan ko lang siya para bigyan ng pagkain dahil hindi naman ako pwedeng magtagal dahil nakakahiya naman ki manong, ayokong paghintayin siya.

Thursday ngayon at kung sakaling may sakit pa si Alison sa sabado ay ako mismo ang mag isang pupunta and sana ay gumaling na kaagad siya, dalawang araw na rin siyang absent eh.. naawa ako dahil wala siyang kasama sa inuupahan niya kaya labis ang pag aalala ko.

I checked my phone, i pouted coz my phone is lowbat. Magbabasa sana ako ng wattpad, Hindi ki pa kasi natatapos yung binabasa ko kinikilig nako dun eh!

Maganda pala dito sa mini garden ng school may fountain tapos may limang bench na pwedeng pagtambayan, pag pumasok na si Alison aayain ko siya na dito nalang kami kumain.. medyo malayo kasi ito kaya ata walang masyadong tumatambay.

I need to go back kailangan kong magcharge sa powerbank pero bago pa man ako tuluyang makaalis ay hinarang ako ng tatlong babae..

Who are they? Mukhang masama ito..

"San ka pupuntang malandi ka?" Sigaw sakin nung babaeng nasa gitna.. maybe she's their leader

Srsly? Fansclub ba to ni Red? Nakakainis!

"Hindi ako malandi at pwede ba wag kayong haharang sa dadaanan ko?" Inis kong sabi sakanila pero mas lalo silang nagalit

"Aba ang tapang mo din eh no? Purket kinakausap ka nila Red ay ganyan kana? Ang kapal din naman ng mukha mo.." sabi nung babaeng singkit na mukhang sinapak dahil sa pula ng blush on.

"Bakit sakin kayo nagagalit? Bakit hindi sakanya? Sabihan niyo siya na wag nakong kausapin para tumahimik na ang kaluluwa niyo okay?"

"Aba feeling ka din pala... akala mo naman kung sino kang maganda? Taga san kaba? Siguro ginayuma mo si Red at iba pa niyang kaibigan noh? Saka scholar ka diba?" sabi nung leader nila

"Sino ba kayo?" Kalmado kong tanong

"Wala kanang pake kung sino kami.. andito kami para turuan ka ng leksyon!" And after that I received a hard slap..

"Wala kang karapatan na saktan ako!"

And another one..

Sht.. Gusto kong lumaban pero alam ko kung anong mangyayari kapag ginawa ko yun.. kapag hindi ako nakapag pigil.. baka mas malala pa ang gawin ko sakanila..

The Bad Boy's Obsession [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon