CHAPTER 5

2.5K 59 6
                                    

Pysche's Pov

Grabe ang dami naming pagkain na binili ni diego at heto kami ngayon naghahanap ng mapupwestuhan.

"Diego wala pa bang bakante? Nakakangalay magbitbit ng pagkain"

"Ayun may malapit ng matapos hinatayin nalang natin sila" wika niya

"Uhm..sige"

"Psyche bili lang ako ng inumin diyan ka lang wag kang aalis baka maunahan tayo sige ka" natatawa niyang saad

"Oo sige bilisan mo ah!"

"Oo" pagkatapos nun ay umalis na siya

"Miss gusto mo bang maupo dito samin?" Untag ng isang lalaking parang adik

"Wag na. Salamat nalang" hindi ko pinahalata na natatakot ako sakanya.. hindi naman talaga ako natatakot eh... konti lang

"Sige na.... bibilhan ka namin ng pagkain basta dito ka umupo samin" sabay hawak niya sa kamay ko

Tumingin ako sa lamesa kung saan ako pinapaupo.. lima silang lahat at halatang naka inom at kung titingan mukhang mga trenta anyos na sila.

"May pambili naman ako ng makakain ko" pagtataray ko

"Aba tinatarayan moko!? Gaga ka ahh!" Sigaw niya with matching talsik laway.

Yucks!

"Ay hindi hindi. Saka may pera ako pambili at ayoko umupo dyan saka mukhang ang babaho niyo!" Bulyaw ko sakanya

Bwisit ang kulit eh!

"Aba! Tarantado ka ah!" Akmang susuntukin niya na sana ako pero may pumigil sa kanyang gawin yon.

Handa pa naman sana akong itapon tong Lomi kaso buti nalang may pumigil sayang naman kasi tong Lomi.

"Don't you dare touch her!" Sigaw nito..

Hala sino ba to?

Teka.....

Pamilyar siya sakin....

Bigla kong naalala yung nangyari nung araw na naghatid ako ng tapsilog sa Faharra University!

Siya yung lalaking nakakuha ng 1st kiss ko!

"Bakit sino ka ba!?" Tanong ni pangit

Ngumisi lang at ito at hindi sinagot ang tanong nung lalaking pangit pagkatapos ay bigla niya nalang itong sinuntok sa mukha.

OHGHAD!

MAMA HELP MEEE!!!

Natumba yung lalaking sinuntok niya tapos tumayo naman yung apat na lalaki na kasama nung pangit na lalaki. Sinugod nila si Tisoy pero laking gulat ko nalang ng may biglang kumarga sakin at inilayo ako sa mga nag aaway.

"You'll be safe here...." sabi nito

Teka si... si 3k yun!

Yung lalaking nagbigay sakin ng 3k!

At may tatlong lalaki din na dumating. Kasama ata si unggoy!

Letse kaya ko din naman ang sarili ko eh. Isang sipa ko lang dun bagsak na yun sakin.

Lima laban sa lima. Team Ugly and Team Handsome ganon!

Teka ang gwapo ni 3k kahit medyo badboy siyang tingnan ngayon...

"Psyche anong nangyayari?" Untag ni diego na nasa likuran ko na pala

"Kasi ano... may nagpupumilit saking lalaki kanina na umupo ako sa table nila kaso inaway ko kay---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang may kumaladkad sakin palayo pati pagkain ko nabitawan ko.

The Bad Boy's Obsession [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon