CHAPTER 19

1.5K 56 17
                                    


ENJOY READING~
XOXO


Psyche's POV

Dalawang linggo na ang nakakalipas matapos ang movie thingy na naganap nung gabing yun. Pinanood namin yung 'The nun' habang kinakain namin yung gisadong pansit na niluto ko. Sabi ni red hindi naman daw masarap pero simot na simot niya yung pansit at aba nanghingi pa siya sakin non ha. Takaw

Gutom na gutom parang walang kinakain sa bahay nila eh halos maduling nga ako nung nakapasok ako sa pantry area nila sa mansyon. Ang daming pagkain mga imported pa pati chocolates marami.

Alas dos na ata ng madaling araw ako nakabalik sa kwarto ko. Iniwan ko na si red nun dahil nakatulog na siya sa malaki niyang sofa kaya kinuha ko nalang yung kumot niya at kinumutan siya. Ang bait niya talaga kapag tulog.

Malapit na ang exam namin kaya heto ako nasa library kasama si Alison. Tinuturuan ko siya sa math dahil medyo nahihirapan daw siya kaya doble ang effort ko pero ayos na rin yun. Sa isang linggo walang nangungulit at nang aaway sakin pero ramdam ko ang masasamang titig nila sakin. Siguro dahil madalas na magkasama kami ni red.

At sa dawang linggo na yun naging full time alalay ako ni master. Ano pa ba ang bago? Yaya nga niya ako diba.

Nagpapaluto nagpapalinis nagpapahilot, nagpapabili ng pagkain kulang nalang paliguan ko siya eh kung wala lang talaga akong utang na loob sa pamilya niya lalo na sa mom niya ay hindi ko iyon gagawin.

Habang busy ako sumagot ng problem sa math ay biglang nagring ang cellphone ko.

Master Red calling

Ano na naman kaya kailangan neto? Walang gana kong kinuha ang phone ko at sinagot ang tawag. Nagkatinginan pa kami ni alison

"Yes anong maitutulong ko?" Walang gana kong tanong

"Where are you?"

"Nasa library nag aaral bakit?"

"Come here" pag sinabi niyang come here at walang lugar na sinabi ibig sabihin ay sa rooftop niya ako pinapapunta.

"Bakit ano na naman?"

"I want to eat" parang bata naman to feel ko single mom ako at may inaasikaso akong bata

"Eh bahala ka diyan nag aaral pako may pagkain ka naman diyan ano gusto mong subuan pa kita? Mamaya na pagkatapos ko dito"

"How dare you talk to me like that? Come here!"

Binabaan ko siya ng tawag bahala siya study first! Ngayon na nga lang yung free time para mag aral ng tahimik sa library eh tapos eepal pa.

"Bakit daw?" nagtatakang tanong ni alison

"Ewan ko pinapapunta ako sa lungga niya bahala siya" tumango nalang siya at hindi na nagsalita

Habang busy ako magsagot ng problem ay rinig kong natilian ang ibang babae kaya napagalitan ito ng librarian. Si yuki at loonix lang naman pala ,kaya pala kinilig what more kung si red na ang pumunta dito edi sumigaw na sila.

Nakatingin lang ako sa dalawa at di ko namalayan na nakalapit na pala sila samin.

"Baby alison" sabay kindat pa ni yuki kay alison nilingon ko naman tong kasama ko na parang hindi natuwa sa narinig

"Anong ginagawa niyo dito?"tanong ko sa dalawa

"Pinapasundo ka ni Red" sagot naman ni loonix

"Diba sabi ko naman mamaya na lang" kairita naman oh

"Sasama ka o sasama ka?" Si yuki ang sarap ibalik sa tyan ng nanay nya. Umupo siya sa tapat ko na mas lalong kinainis ko pa

Actually hindi lang kay red ako stress kundi sa isang ito din! Parang bata amp

The Bad Boy's Obsession [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon