CHAPTER 3

2.8K 74 3
                                    

Diego's Pov

Kumakain ako ng isaw ng makita ko si tita na patawid ng kalsada at may mga dalang bitbit. Siguro may mga order na naman ng tapsilog.

Masarap naman talaga kasi talagang hahanap hanapin mo. Dali dali kong inubos ang isaw na kinakain ko saka tumakbo papalapit sana kay tita kaso biglang may mabilis na kotse at sa isang idlap ay tumilapon si tita.

Natulala ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko para bang nakapako ito sa kalsada.

Una kong naisip si Pysche.

"Titaaaaaaa!!!!"

Agad namang lumapit ang mga tao sakanya...

Pinilit kong tumakbo para puntahan si psyche pero nasa kay likuran ko lang pala siya at walang kaalam alam sa nangyare halatang kadarting palang..

"PYSCHE!!!!" Sigaw ko saka lumapit sakanya at siya niyakap ng mahigpit

"Huy diego parang di tayo nagkita kani---aray ko di ako makahinga.
Nakita mo ba mama ko diego?" Hindi ako makapasalita... gusto ko lang na yakapin siya at iparamdam sakanya na nandito lang ako.

"Huy diego umiiyak ka ba?"

"Psyche sorry.."

"Bakit?"

"Hindi ko nasagip si tita sa pagkakabangga nya...pysche p-patay na ang mama mo"

"H-hindi....hindi..."

Galit na galit ako sa sarili ko dahil hindi ko nailigtas si tita.. wala ng kasama si psyche ngayon.. wala siyang ibang kamag anak dito o kahit san man.

Dinala si Tita sa hospital pero huli na ang lahat.. Dead on arrival sabi ng doktor. Kanina pa hindi nagsasalita si psyche hanggang sa maiuwi na ang bangkay ng mama niya sa bahay nila.

Wala siyang imik at lagi lang tulala.

"Psyche kumain ka na" hindi niya ako pinansin at nanatiling nakatulala.

Maraming tao ang dumalo sa burol ni tita.. Si mama ang nag aasikaso ng mga bisita dahil nga sa hindi nagsasalita si pysche palagi nalang siyang nasa loob ng kwarto.. kung hindi tulala umiiyak naman.

Naawa nako sakanya..

Psyche's Pov

Mama... bakit mo naman ako iniwan? Bakit sayo pa nangyare yun? Bakit ikaw pa? Mama wala nakong ibang mapupuntahan.. pano nako? Mama pano nako?

Dalawang araw na ang nakakalipas. Dalawang araw na din akong nagmumukmok sa kwarto.. Hindi matutuwa si mama kung nandidito lang ako sa kwarto at umiiyak..

"Psyche kumain kana..pwede bakong pumasok? May dala akong pagkain" hays buti nalang nandiyan si diego..hindi niya ako iniwan.

"Sige pasok ka" agad namang bumukas ang pintuan.

"Kumain kana psyche.. Ayan oh dinamihan ko na.. ubusin mo yan ah"

"Salamat diego.. salamat sainyo no tiya mirasol"

"Walang anuman yon.. hindi ka naman namin pwedeng pabayaan noh"

"Salamat talaga.. hayaan nyo babawi ako sainyo"

"Ano kaba wala yun. Sige na kumain kana ah. Ubusin m--"

"Psycheee... kailangan mong lumabas may naghahanap sayo mukhang kilala ang nanay mo at mukhang mayaman"

Uminom muna ako ng tubig bago lumabas ng kwarto. Hinanap ko kaagad yung bisitang sinasabi ni tiya mirasol

Sino naman kaya yun? Pagdating ko sa sala may babaeng naka itim at may kasama siyang dalawang lalaki. Kaagad siyang lumingon sa direksyon ko.

"Ikaw pa ba si psyche?"

"Opo sino ho kayo?"

"Im Helena Ferrer.. Im your mom's bestfriend.. Condolence" malungkot niyang sabi

"Uhmm.. bakit po ngayon ko lang kayo nakita? Uhmm gusto nyo po ng makakain?"

"No I'm full kumain nako bago ako makapunta dito. Thank you and to answer your question.. nung pinagbubuntis ka palang ng nanay mo she didn't even tell me kung sino ang tatay mo.. and she said aalis siya sa Pilipinas at pupuntang hongkong so wala naman akong magagawa dahil nirerespeto ko ang disisyon nya and now.. nakita ko sa balita na patay na ang mama mo kaya naman pinahanap ko kung saan kayo nakatira.."

"Natuloy po ba siya sa hongkong?"

"I don't know ija.. yun nga ang pinagtataka ko eh.. simula kasi nun wala nakong contact sakanya.." umiiyak siya..

She really loves my mother..

Naglakad ito palapit sa kabaong ni mama at kinausap ito.

"Perla ang daya mo naman! Bat nagsinungaling ka sakin? Sabi mo pupunta ka ng Hongkong? Natuloy kaba? Ang dami mong pagkukulang sakin.. Miss na miss kita tapos dito pa kita huling makikita? Napakadaya mo.. iniwan mo ko.. pati ana--"

"Asan ang batang yon!? Psyche nasaan ka!?"

Si Manang Flor!

Siya ang landlord nitong bahay. Inuupahan lang naman namin ito at hindi pa kami nakakapagbayad ng utang sakanya isang buwan na.

"Hoy nadiyan ka lang pala.. magbayad ka na ng utang ngayon din!" Sht kulang ang pera ko para makabayad ki manang flor.

"Pasensya na ho gagawan ko ho ng paraan"

"Paraan? Aba? Kelan pa? "

"Excuse me can you give a little respect to the dead!?" Galit na sigaw ni Mrs.Ferrer

Nako nakakahiya!!!!

"At sino ka naman!? Don't englishing me ah! You don't know me! Im ritch!"

"I'm richer than you. How much is her debt! I'll pay for it! "

"Mrs. Ferrer nako wag na po ako na lang po magbabayad" pigil ko sakanya pero ngumiti lang siya sakin na para bang nagsasabing 'its okay'.

"Tell me. How much!?"

"Sampung libong piso" mayabang na sabi ni Manang Flor habang nakataas ang kanyang kaliwang kilay.

Sht... Pano ba to?

"Ghad sampung libo lang naman pala teka lang i know that you don't use card kaya cheque nalang is that okay with you?"

"Okey Sege"

Kinuna naman Mrs Ferrer ang kanyang cheque

"Thanks God dinala ko to" she said while writing something

"Here Sampung libong piso take it or leave it.. "

Halos mapanganga naman si manang flor saka dahan dahang inaabot ang kanyang kamay at kinuha ang cheque.

"Psyche bayad kana ng utang mo maari kanang umalis dito"

"Ho!? Bakit ho? Maawa po kayo wala akong ibang pupuntahan wala ho akong ibang pamilya maawa ho kayo maghahanap po ako ng trabaho para makabayad sainyo buwan buwan" halos maiyak nako ng sabihin ko yun

San ba ako pupulutin?

"May bumibili na kasi ng bahay na to. Kailangan ko ng malaking pera dahil may kanser ang asawa ko kailangan ko na tong ipag bili dahil hindi sapat ang perang ibabayad mo buwan buwan"

"Dun kana lang samin pyche" untag ni diego na nasa likuran ko

"No...She can't be with you.. your mother has no proper income she can't take care of you both.. Thank you for suggesting but psyche will go with me"

"P-po!?"

"Ano!?"- diego


TO BE CONTINUE........

SORRY LATE UPDATE HUHU BUSY AKO SA SCHOOL SOBRA GRABE 1ST YEAR PALANG AKO PERO ISTRESS NA SI LOLA NYO!

PLS VOTE AND COMMENT MGA LABS! THANK YOUUUU~~~

The Bad Boy's Obsession [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon