CHAPTER 17

1.7K 51 16
                                    

Enjoy Reading :))

Psyche's POV

Sabado ngayon at syempre walang pasok pero maaga pa rin akong nagising upang tumulong na din sa gawaing bahay. Ayokong magpaka prinsesa dito na tatambay lang magdamag sa kwarto at walang gagawin.

Saka nakakahiya naman kung ganon, nakikitira na nga lang ako dito diba. Una kong nilinis ang kwarto ko, wala akong binago sa ayos nito kung ano ang ayos nito noong una kong pagtulog ay ganun pa din.

6:30 am pa lang ay bumaba nako hindi nako gumamit ng elevator para exercise na din habang bumababa sa hagdan haha.

Bumaba ako sa kusina at naghanap ng pwedeng gawin.

"Buti naman at naisipan niyang bumaba upang tumulong" Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Pinag uusapan ako ng dalawang katulong na siguro ay dalawa o tatlong taon lang ang agwat sakin.

"Oo nga eh dapat lang na tumulong siya dito, pinapaaral na nga siya tapos hindi siya tutulong aba!"

Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko.

"Hoy kayo ka uma umaga ang chichismisan kayo! Hala bumalik na kayo sa mga trabaho niyo!" Suway sakanila ng nakatatandang katulong. Ito siguro ang Mayor Doma dahil naiiba ang kanyang suot sa lahat.

Tumingin ito sakin at tinaasan ako ng kilay.

"Anong ginagawa mo dito ija?" Tanong nito sakin

"G-gusto ko lang ho sanang tumulong dito"

Matagal ito baga sumagot

"Osige ikaw na lang ang maghanda ng umagahan ni Master Red pagkatapos ay ikaw na din ang magdala noon sakanya ikaw din ang maghugas non. Tuwing weekend's ay late nagigising si master kaya dinadalhan ito ng pagkain sa kanyang kwarto kuha mo?" Paliwanag nito

Napalunok ako ng sunod sunod sa aking narinig. Halos mabingi ako

What!!!?? Gusto kong magreklamo pero no choice ako kundi papagalitan ako!

Well sabagay iyon naman talaga ang gusto ni Red ang pag lingkuran ko siya kahit hindi niya ako siniswelduhan.

"Ano bat di ka makapag salita ija? May reklamo ka ba!? Any violent recation!?"

"Hindi ho madam! Ano po ba ang gusto niyang breakfast?" Nagulat ako ng bigla itong humalakhak.

May nakakatawa ba sa sinabi ko? Nag joke ba ako sa pagkakaalam ko hindi eh.

"Hulaan mo!" Sabi nito at mabilis akong tinalikuran at nagmartsa paalis.

"Teka po!!!" Hindi ko na ito nahabol dahil pumasok sa ito sa kanyang silid.

Shet!

"Pansit! Pansit ang gusto ni Master na kainin!" sabi ng isang katulong sabay ngisi.

Kaazar ng ngiti niya.

Hmm eto yung nang tatrashtalk sakin kanina ah!

Pansit? Hmm madali lang naman pala!

Ngumiti ako dun sa katulong kahit na tintatrash talk niya ko ka

Halos walang sangkap ng pansit sa kusina kaya namalangke pako. Bumili ako ng isang kilong pansit at mga gulay gulay at karne. Bumili din ako ng pandesal

7:50 ng makarating ulit ako sa mansyon. Sinimulan ko ng magluto. Ginisang pansit ang ginawa ko dahil iyon ang paborito ko. Aba wag siyang magrereklamo dito dahil kung isa nalang ang pwede kong kainin habang buhay ay ito ang pipiliin ko! Naku talaga! Nagluto din ako ng dalawang sunnyside up egg para palaman sa tinapay.

The Bad Boy's Obsession [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon