CHAPTER 6

2.3K 68 10
                                    

Psyche's POV

Saktong alas otso ng umaga ay may kumatok sa pintuan.

"Sino po kayo?"

"Ako si Manong Jude. Pinapasundo kana ni Madame"

Ahhh. Siya pala si manong jude.

"Wait lang po kukunin ko lang po yung mga ga--"

"Wag na may kukuha ng mga gamit mo. Tara na inaantay kana ni madame"

"uhm.. sige po"

Paglabas ko ng bahay may sasakyan na nakaparada at mayroon ding maliit na truck siguro ito ang kukuha ng mga gamit ko.

At syempre paglabas ko din ay nakahilera na yung mga mahal kong chismosa.

Yung iba kahit naliligo pa ay lumabas na ng bahay para makichismis. Pati sila Amanda at mga tropapipz niya ay nakikichismis din.

"Psyche!"

"Tiya Mirasol!"

"Mag iingat ka ija.."

Nasaan kaya si Diego?

"Opo nasaan po si diego? Bakit po wala siya?"

"Ahh eh.. may inaasikaso sa school.. Sabi niya magiingat ka daw"

"Opo... mauna na po ako!"

********

"WOOOOOOOOOOOW" Literal na napanganga ako sa nakikita ko.

Isang Mansion!

Grabe!!!! Ang laki tapos yung gate kusa na bumubukas tapos may malaking fountain tapos maraming halaman tapos may swimming pool tapos ang laki ng bahaaaaaaay!!!!!! Tapos may gwardya kahit na automatic yung gate!

Ang ganda!!!!!!

Para akong tuko na nakadikit sa bintana ng kotse. Hindi man lang ako na inform na ganito yung bahay ni Mrs.Ferrer. Siguro sampung beses sila nanalo sa Lotto! Tapos mega Jackpot pa!

Pagbaba ko ng sasakyan ay mas lalo akong namangha.. ang laki ng pintuan tapos may mga naka unipormeng kasambahay!

Aha! Magiging kasambahay pala ako! Kaya pala ako dinala ni Mrs Ferrer dito kasi baka kulang na sila ng kasambahay! Excited nako pero mukhang nakakapagod maglinis dito.. kasi ang laki laki.
Pero ayos lang atleast may sweldo ako diba???

WAAAAAAAH!!!!!

"Ihaaaaaa!!!!" napalingon naman ako sa sumigaw

"Madame!" Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko

Luh? May mali ba sa sinabi ko? Magiging amo ko naman siya eh.

"Anong madame? I'm your tita remember and welcome to your new home"

New home?

"Opo ang ganda po ng bahay niyo..."

"Tara pasok ka"

At mas lalong tumulo ang laway ko ng tuluyan na akong makapasok.

Ang ganda may malaking painting   kang makikita pagpasok mo palang ng bahay. Tapos makikita mo din yung Family Picture nila.

Dalawa pala ang anak ni Madame siguro luma na tong picture kasi medyo bata bata pa si Madame dito tapos kandong kandong niya pa yung baby na lalaki.

"I have two kids.. Siya si Markus Lauren ang panganay ko siya ang nagmamanage ng isa pa naming kompanya and he's also a model and siya naman ang bunso ko.. si Red, 4th year highschool student"

The Bad Boy's Obsession [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon