CHAPTER 20

1.5K 53 24
                                    

Pysche's POV

Wala akong magawa dito sa mansion kaya naisipan kong tumulong sa mga kasambahay. Pagsilip ko sa bintana nakita ko si Red na sumakay ng sasakyan mukhang may importanteng pupuntahan. Di nako nag isip pa kung san ba siya pupunta bahala na siya malaki na siya.

"Psyche anong ginagawa mo dito?" Nagulat ako ng biglang sumulpot si Tita Madam

"Sorry did I scare you?"

"No po ayos lang..kakatapos ko lang po mag aral"

"Very good dear diba exam niyo na bukas?"

"Opo" mahinhin kong sagot

"What about Rupert? Nag aral na ba siya?"

Onga noh never kong nakitang nag aral yung lalaking yon ah

"Hindi ko po alam siguro po nag aral na din siya" Yung lalaking yun nakuha pang umalis eh may exam kami bukas.

"You want to see something?" nakangising tanong ni tita madam

"Ano po yon?"

"Baby pictures ni Rupert you wanna see?"

"Sige po" since wala naman akong magawa nag agree na din ako and curious din ako sa itsura ng master ko nung bata pa siya

Kinaladkad ako ni tita madam sa library at may iniwan niya muna ako saglit dahil kinuha niya yung photobook na malaki. She was so excited pa nga when she's walking papunta sakin.

"Here it is" inilapag niya ang itim na photo album sa lamesa and may nakalagay na RUPERT sa harap ng album.

Inopen niya ang unang pahina at nanduun ang picture ni rupert na nasa Hospital ang liit liit niya  nung baby pa at kitang kita ko ang maliit niyang junjun HAHAHAHAH sarap kurutin pero syempre ngayon hindi na HAHAHAHA

"Look oh pagod na pagod yung mukha ko pero maganda pa din naman ako dyan" natatawang sabi ni tita madam

"Magandang maganda po kayo dun parang hindi po kayo nanganak" natawa siya sa sinabi ko.

Hanggang sa lumalaki na si Red ay may litrato padin siya sa album na ito since mahilig ngang kumuha ng litrato si tita madam kaya ganon at kahit din naman ako kapag nagka baby ako hindi ako masasawa na kuhaan ito ng litrato.

"Look at this girly pic of my son" natutuwa nitong sabi

"Ang cute" nakasuot si red ng dress and may head band na pink

"Napagtripan siya ng ate niya kaya ayan sana daw naging babae nalang si red" natatawa ako dahil ang dami ng pictures niya na naka dress

"Do you want one copy?"

"Po?"

"I'll give this one to you" kinuha niya ang isang pic ni red na naka dress at headband para talaga siyang babae tapos nakangiti pa siya kitang kita ang dalawang maliit ba ngipin niya sa baba. Kinuha ko ang litrato at mas lalong pinagmasdan ng mabuti.

"You can keep it" ngumiti nalang ako bilang tugon
Hindi din nagtagal ay lumabas na kami sa library may tumawag kasi ki tita madam, kailangan niyang umalis dahil may aasikasuhin daw siya. Bumalik nako sa kwarto ko at inilagay ko sa wallet ang baby picture ni Red. Ang cute talaga HAHAHAHA ay ang ganda pala.

Kahit bored na bored na ko dito hindi ko naisipang umalis ng bahay, nag aral nalang ako magka video call din kami ni alison dahil sabay kaming nag rereview minsan tinutulungan ko siya kapag mayron siyang hindi maintindihan.

"Ang ganda ganda ng kwarto mo psyche" puri niya

"Eh hindi naman ito sakin" natatawa kong sagot

The Bad Boy's Obsession [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon