CHAPTER 21

1.2K 43 11
                                    

ENJOY READING 💖


Psyche's POV

"Okay class 10 more minutes"

Finally! Tapos na ang exam actually half day lang ang exam ngayon tapos mamayang hapon is regular classes na ulit. Sigurado naman ako sa sagot ko. Hopefully.

Paglabas ko ng pintuan ay nakita ko yung lalaking nakabangga sakin nung isang araw.
Parehas kaming nagulat nang makita namin ang isa't isa.

"You!" sabi nito at mabilis na lumapit sakin tapos eto naman ako nakatulala lang habang lumalapit siya.

"How are you? Kumusta ka?"
How are you na nga tapos kumusta pa ayos ah hahaha

"Ayos lang naman ako uh----"

"Good to hear.. ginagamot mo ba yang sugat mo?" Sabay tingin nito sa legs ko kaya medyo nailang ako

"Oh sorry"

"Okay lang oo ginagamot ko to saka ayos lang ako you don't need to feel guilty kasi may kasalanan din naman ako" ngumiti ito shuta ang cute nya may dimple sya eh.

"By the way I'm---"

"Dylan what are you doing here!?"

Paglingon ko sa kanan ay nakita ko si red. Sht wag naman sana tong gagawa ng eksena dito.

Nagkatinginan silang dalawa ang dating maamong mukha nung dylan ay biglang tumalim.

"Omg siya ba yung pinsan ni master na bagong lipat dito?"

"Oo yung galing New york"

"Hala ampogi naman!"

"Ihhh swerte ko talaga dahil mayaman kami dito ako nakapag aral ang daming pogi!"

"Sht new crush!"

P-PINSAN?

Mag pinsan sila?

Si dylan at rupert ay mag pinsan

Wow!

"Oh you're not informed that I will study here for good?" nakangising sabi ni dylan

"I don't care"

"Well I don't care about you too... See I'm talking to someone" sabay ngiti nito sakin

Halos magkadikit na kilay ni master red ng sabihin iyon sakanya

"That someone is my property. Dylan" bahagyang nagulat naman si dylan sa narinig

"Lahat nalang ba ng gusto ko kukunin mo? Di ka pa din nagbabago my dearest cousin"

ANO DAW!?

"Shut the fck up dylan!"

"Psyche let's go!" Tumalikod na ito at naglakad ng mabilis samantalang ako hindi ako makapaniwala sa nangyayari.

Parang gusto ko na din lamunin ng lupa dahil may mga tao pala sa paligid namin. I saw some of my classmates and even our class president na masamang nakatingin sakin.

Siguro dahil president siya at ayaw nya na magkaroon ng skandalo ang klase namin. Naiintindihan ko siya kaya hihingi nalang ako ng sorry sakanya mamaya.

The Bad Boy's Obsession [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon