C 5

45 7 15
                                    

Sydney


"Bakit umuulan nanaman?!"


Kamot ulo akong napasigaw sa loob ng sasakyan ko. Tuesday na ngayon at dalawang araw na ang nakalipas mula noong gumala kaming dalawa ni Arthur. Hindi ako sanay na mag drive t'wing ulan dahil madulas ang daan. Nag da-drive ako ngayon papuntang Ateneo, gusto ko lang mag surprise visit. Wala lang, naisipan ko lang.


Maaraw pa noong umalis ako sa La Salle kaya naman hindi ko ine-expect na uulan. Nagpalitan kami ng username ng mga kaibigan ni Arthur kaya naman nahiiningi ko kay Gideon ang schedule ng klase nila ni Arthur, nagtaka pa ito kung bakit pero sinabi niya rin naman.


Ilang kembot nalang ang layo ng Ateneo mula kung nasaan ako ngayon kaya keri na! Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa gate 2 ng ADMU. Sakto lang ang dating ko dahil pag hazard ko sa gilid ng daan ay saktong dismissal nila Arthur. Lumabas ako ng sasakyan ko para makita ako agad ni Arthur, wala akong payong pero hindi na problema 'yon dahil nasa ibaba naman ako ng overpass. Nababasa ako pero kaunti lang.


"Get inside the car, magkakasakit ka!"


Napatingin ako sa sumigaw at nakita si Arthur na tumatakbo papunta sa direksyon ko. May hawak pa 'tong libro at payong. Hindi ako nakapag salita, parang ang bilis ng pangyayari dahil nasa harapan ko na siya ngayon. Hinihingal 'to at nakatingin lang sa'kin.


"Why are you here?" Tanong niya.


"Surprise visit." Sagot ko, kinakabahan dahil mukha siyang galit, "Uh... Surprise!...?" I awkwardly lighten the mood.


"Pasok." Binuksan niya ang upuan sa driver's seat.


"Uh... Hindi ako sanay na mag drive na umuulan..." I bit my lower lip.


Tahimik lang 'to at hindi nag salita. Pinayungan niya ako at pinagbuksan ng pintuan sa shotgun seat.


"Doon ka muna sa condo ko hanggang mawala 'yung ulan, is that alright?" Tanong niya sa'kin habang busy siya tumingin sa daan.


"Opo." Sagot ko, wala namang problema sa'kin 'yon, tapos narin naman ang klase ko. Hindi ko mapigilang yakapin ang sarili ko dahil nabasa rin ako kanina sa ulan at nalalamigan ako ngayon. Binaba ni Arthur ang temperature ng aircon nang mapansin akong nakapulupot.


"Galit ka ba?" Tanong ko.


"No." 


"'Di nga?" Tanong ko ulit.


"Pwede namang dito ka lang sa loob, kung makita mo ako pwede mo namang isigaw pangalan ko." Seryosong sabi niya, sa boses niya nangingibabaw ang pag aalala at hindi ang inis, "You don't have to get out."


'Di ko mapigilang ngumiti sa sinabi niya! Kinikilig ako pero ayaw kong ipahalata kaya wala akong ibang magawa kundi kagatin ang ibabang labi ko para mapigilan ang sarili.

Chasing Over The Ray Of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon