C 11

26 3 14
                                    

Sydney


"Sky cycling tayo! Nasa bucketlist ko 'yan!" Nakangisi akong humarap kay Arthur at tinuro ang mga bisekletang nasa gitna ng kalangitan. May dalawang lubid na nakakabit dito, isa sa gear ng sasakay at ang isa naman ay nasa bandang gulong ng bisekleta.


"You're not afraid of heights?" Tanong sa'kin ni Arthur.


Hindi ako makasagot ng maayos sa kanya! Parang biglang sumapal sa'kin ni Arthur. Ako? Takot sa heights? Syempre... Syempre oo! Pakiramdam ko mahuhulog nalang ako bigla pag nasa mataas na lugar ako! Minsan nagtataka narin ako, bakit may mga extreme rides sa bucket list ko kahit alam ko sa sarili ko na 'di ko kaya 'yon. Pero syempre 'di ba dapat matapang tayo sa harap ng crush natin? Kaya kakayanin 'to! 


"Hindi!" Pakiramdam ko ang awkward ng tawa ko, "Sinong nagsabi na takot ako sa heights? Tapang kaya nito." Sambit ko at dalawang beses na tinapik dibdib gamit ang kamao ko.


Ngumiti sa'kin si Arthur bago magsalita, "Let's go then."


Tumango ako kaya naman agad kaming pumunta sa pila ng sky cycling. Habang palapit kami ng palapit, pakiramdam ko sasabog puso ko sa kaba! Kung may marathon man ng mga puso ngayon, malamang champion 'yung akin.


"Kuya, 'di naman delikado, 'no?" Kinakabahang tanong ko habang sinusuotan nila kami ng gear.


"Hindi po, miss. Balance lang po kailangan." Sambit ng lalaki. Balance? Kayang kaya ko 'yon! Sana naman basic lang!


"Are you afraid?" Tanong ni Arthur, nasa tabi ko siya at sabay kaming mag sk-sky cycling.


"Syempre... Syempre hindi!" Tapang tapangan kong sagot, "Gusto mo race tayo e."


Parang bobo naman, Sydney! Anong race pinagsasabi ko?! Tuloy, medyo nauuna na sa'kin si Arthur dahil kinakabahan akong pumadyak!


"Syd, you'll lose balance if you'll stop." Alalang sabi ni Arthur.


"Kaya ko, kaya ko." Sabi ko, tinatago ang kaba ko at nag patuloy sa padyak. Napapikit pa ako sa takot.


Lord! Ikaw na po bahala sa'kin! My pamily... my pamily... Ah! Pakisabi nalang po kay Papa na sobrang sorry at sobrang thank you! Mommy sama na ako sa 'yo diyan. Pero Lord, gusto ko pa po mabuhay!


"Syd, we're at the end. You can open your eyes right now."


Binuksan ko ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Arthur. Nasa kabilang dulo na kami at tinatanggal na ng isang lalaki ang gear na nakakabit sa'kin.


"Na-enjoy mo ba?" Napakagat ako ng kaunti sa ibabang labi ko. Nag lalakad na kami pababa ngayon at wala parin ako sa katinuan. Pakiramdam ko napahiya nanaman ako!


"Yeah, I enjoyed looking at you," He chuckled, "You're cycling with your eyes closed. You're also biting your lips."

Chasing Over The Ray Of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon