C 4

45 7 19
                                    

Sydney


"Ang sungit mo! Okay lang, pogi ka parin naman."


Rekalmo ko sa sagot niya. Magsasalita na sana 'to nang biglang dumating si Mavi, "Oh, heto na fries niyo." Sambit niya at binigyan kami ng tag iisang paper bag.


Nang dumilim na, nag dinner lang kaming tatlo at nag kanya kanyang uwi narin. Dumaan ako sa bahay, at kinuha ang mga kailangan ko. Gising pa si papa kaya naman ay tinulungan niya narin ako ayusin ang mga gamit ko bago ako dumeretsyo ng condo.


Isang linggo narin simula nung gumala kami at Friday nanaman. Nasa classroom kami ngayon at inaantay ang prof namin.


"Inom mamaya, pwede kayo?" Tanong ko sa mga kaibigan ko.


"Nag a-aya si Arthur moni mamaya e, kasama mga ibang Ateneans." Sagot ni Mavi, "Sama nalang tayo sa kanila."


"It's nakakahiya naman kung sasama tayo sa kanila." Ngumiwi si Meghan.


"Same venue nalang pero mag kaibang table." Nag suggest si Gray.


"Payag ako sa idea ni Gray." Sambit ko at tumingin kay Mavi, "Para maka switch table ka, ganon."


"Sige sige," Aniya, "Sagot ko na transpo."


Nang matapos ang klase, inabangan naming tatlo si Mavi sa labas ng school gate dahil kukunin niya lang daw ang sasakyan niya. Umupo ako sa shotgun samantala si Meg at Gray ay nasa backseat. Nag paalam narin ako kay Papa na baka bukas na ako uuwi ng Cavite dahil lalabas kami ngayong gabi, pumayag naman si Papa at sinabing mag ingat daw ako. Pagdating namin sa bar, agad kong nakita si Arthur kasama ang tatlong lalaki, may dalawang case ng beer sa table nila. Uupo na sana kami sa ibang table nang bigla kaming tinawag ng isang lalaki sa table nina Arthur.


"Dito na kayo!" Sigaw niya, mukhang foreigner. Mukhang... Italiano? May hawig siya sa facial features ni Gray, e half Italian si Gray.


Napahawak sa braso ko si Meg nang halos sumabog na ang speakers sa lakas ng pinatugtog. Nakakagulat naman kasi! 'Hey Mama' by David Guetta ang pinapatugtog ngayon dito sa bar, ang daming tao sa dance floor. Wala pa si Mavi kaya naman nahihiya pa kaming umupo rito, wala naman kasi ako kakilala rito kundi si Arthur.


"You guys can seat here." Sabi ni Arthur kaya naman ay naki-upo na kami roon sa table nila.


Umupo ako sa tabi ni Arthur habang nasa kabilang gilid ko sina Meg at Gray. Paikot ang upuan kaya nakikita ko yung lalaking kausap ako kanina, at 'yung dalawa pa nilang kasama.


"Sydney Estrellas, 'di ba?" Tanong sa'kin ng lalaking nag aya kanina, "Team captain ng Spikers?"


"Oo, ako 'yon." Sagot ko.


"Gideon nga pala," Pag papakilala niya sa sarili niya, "Boyfriend ni Koreen."

Chasing Over The Ray Of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon