C 9

45 5 12
                                    

Sydney


"So, ano, kayo na?"


Agad akong umiling nang marinig ang tanong ni Sadie, "Nanliligaw palang."


Pakiramdam ko wala namang nakakakilig sa sinabi ko pero mukhang bata si Sadie na nakapatong ang magkabilang siko sa coffee table habang naka subsob ang baba at pisngi niya sa mga palad niya. Nakangiti siya at namumula pa!


"Pulang pula ka?" Tumawa ako, ang pula kasi talaga ng magkabilang pisngi niya!


"Kinikilig ako!" Sumigaw siya, halata sa mukha niyang kinikilig nga siya, "Gosh! I'm so happy for you, Syd! Finally tumanggap ka na ng manliligaw!"


Hindi naman kasi si Arthur ang unang nanligaw sa'kin, high school palang ay marami nang naliligaw sa'kin pero hindi ko 'to pinapansin, "Ayoko naman kasing magpaligaw sa taong hindi ako interesado, ayokong sayangin oras nila dahil 'di ko lang naman din sila sasagutin 'no."


"Buti hinayaan mong manligaw si Arthur," Humirit siya ulit, ngising ngisi, "So, how did he asked you out?"


"Hindi ko sure kung saan 'yon, probinsya raw nila e, tapos umuulan no'n." Pag kwento ko, kumukutikutitap ang mga mata ni Sadie at nag aantay sa kwento ko, "Tapos sinayaw niya ako sa ulan, binago niya ang memorya ko sa ulan."


"He danced you under the rain?" Tanong ni Sadie at napahiga sa carpet, "That's so romantic!" Agad din 'tong bumalik sa posisyon niya kanina, "What's next?"


"Ewan ko," Tumawa ako, "May kakaiba akong naramdaman, Sadie! Alam mo yung parang biglang may spark! Hindi ko pa 'to nararamdaman dati, para gusto kong 'di na matapos 'yon, parang ayokong mapalayo sa kanya."


"OMG!" Sigaw si Sadie at kinikilig pa, "It must be love, girl!"


"Ewan ko sa 'yo," Tumawa ako at tinapon sa kanya ang isang throw pillow. Kaya siguro throw pillow tawag dito, kasi literal na trino-throw.


"Pero bakit ganyan suot mo?" Tanong ni sa'kin at tiningnan ang suot ko, "Nag date kayo kanina, 'di ba? Bakit ganyan! Dapat bonggahan mo!"


"Galing ako sa school, 'di ako maka suot ng kung ano ano roon. Paglabas ko ng school gate bumungad na sa'kin si Arthur."


"Nag change outfit ka sana," Ngumiwi 'to, "Next time mag sweater ka nalang tapos kabog na top sa loob, para kung may date ka, tanggalin mo lang sweater mo."


"'Di ko rin alam, first time ko 'to, mare," Tumawa ako, "Hayaan mo, subukan ko 'yan."


Nag s-scroll si Sadie sa phone niya noong binuksan ko ang TV at agad na nilagay 'to sa YouTube, saka ko pinatugtog ang 'I'm Just A Kid' ng Sunset Wanderers, bagong English boy pop band na nabuo dahil sa X Factor UK.


"Sino 'yan?" Kunot noong tanong ni Sadie at nakaturo sa TV.


Chasing Over The Ray Of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon